Alas syete na ng gabi at overtime na naman ako. Dahil ginagawa ko pa ang planner niya para bukas wala na akong gagawin. Advance kasi ako mag isip. Pero alas syete na eh di pa rin lumalabas si sir at yung babae. Nagpadeliver lang sila ng pagkain kanina. Infairness yung babae ah di sya nagsasawa sa pagmumukha ni Ryland. Mabuti pa yung babae nakasama nyang mag lunch eh ko na asawa nya? Waley, dedma sya. Sarap nyang gilitan sa leeg. Nagpasya akong pumasok sa loob ng opisina nya ng makita ko ang isang eksenang di ko inasahan. Si ate girl nakakandong kay kuya boy. Hoy ano to babuyan lang? Sa opisina pa nya talaga! Ganyanan na!? Naisip nya kaya minsan na walang kwenta yung usapan namin dahil ang bilis niyang nambabae eh isang linggo palang kaming kasal. As in mag iisang linggo palang

