"Alam mo, bez. Kung talagang nami-miss mo siya bakit hindi mo siya puntahan." Huminga siya ng malalim bago tumingin sa labas ng bintana ng kanyang opisina. "Kung ganoon lang kadali ang lahat, matagal ko nang ginawa, Leanne," malungkot niyang wika. "Love sucks," nakasimangot na wika naman ng kaibigan niya. "Yeah," sang-ayon naman niya rito. "Anyway, kailangan na kitang iwan. You need to prepare for tonight's meeting, kailangan mo din ba ako mamaya?" "Of course, Leanne, you're my secretary, right?" Nagkibit ito ng balikat at sumimangot. "You're with your jerk cousin, I just thought you don't need me." "Come on, Leanne, I need you by my side. You're the only person who understands me," aniya. Tumawa ito ng marahan. "I bet you could say that in front of your jerk-ass cousin

