NAKATANGGAP ng mensahe si Ei mula kay Tan, nasa isamg restaurant raw ito at puntahan niya ito roon. Hindi man nito sabihin ang dahilan ay mukhang alam niya na kung bakit. It's freaking Valentine's Day, today, and Tan will not let this day pass without giving her a surprise or a romantic date. Sa maikling panahon na pagsasama nila ni Tan ay halos araw-araw itong may nakaambang sorpresa para sa kanya. Minsan naman ay isinasama pa nito ang anak nito sa pagsu-sorpresa sa kanya. In short, naging maganda ang karanasan niya sa mag-ama, kaya naman hindi niya hahayaang masira lang iyon ng kanyang pamilya. Sa pagkakaalala sa kanyang pamilya ay muli na naman siyang napabuga ng marahas na hininga. Tinawag niya si Thad para humingi ng tulong dito, ngunit maging ito ay walang maipayo sa kanyang matin

