Aria's POV "Ariaaaa!" Ay lechugas naman oh! Halos mapabalikwas ako sa higaan ko dahil sa sigaw na 'yon. Si Mama na ba 'yon? "Ay talaga nga naman oh! Hahampasin kita ng kawali kapag hindi ka pa bumangon diyan, Aria!" Bigla akong napa-upo sa kama ko pero hindi ko pa rin iminumulat ang mga mata ko. Jusko naman! Kagabi lang ay galak na galak akong makauwi dito sa mundo ng mga tao pero ngayon ay naloloka na naman ako sa nanay ko na sinapian ng espiritu ng alarm clock. Ano ba naman ito? "Aria, ano ba?! Aba nakakaloka kang bata ka! Nandito na ang mga kasama mo sa baba tapos ikaw ay nandiyan pa rin?!" sigaw ulit ni Mama. Welcome back to the human world talaga, Aria. "Opo! Bababa na po!" Bumangon na ako sa kama ko at parang tuod akong naglakad papunta sa banyo ko. In fairness, halatang hindi bi

