Aria's POV Bakit pakiramdam ko, panaginip ko lang ang lahat ng nangyayari sa akin? Aaminin ko na noong nasa mundo pa ako ng mga tao ay talagang madalas akong mag-imagine na may ibang mundo na kung saan may mga hindi karaniwan na nangyayari. Tinatawanan pa nga ako ng mga kaibigan ko na sina Janna, Lei at Hannah noon kapag sinasabi ko sa kanila na baka totoong may ibang mundo. They always tease me na masyado raw akong imaginative. Masyado daw akong na-hook kina Inuyasha at Harry Potter. Feeling ko tuloy ay nag-iimagine pa rin ako hanggang ngayon. "Tandaan ninyo, dalawa lang ang paraan para makuha ni Valgemon ang elemental stone na meron kayo. It is either he'll make a way for you to give it to him or he'll kill you," Shebah said. Bigla naman akong natakot. Papatayin kami ni Valgemon? Mins

