Third Person's POV Halos hindi nakakibo sina Heiro sa sinabi ni Brizto. Masyado silang nagulat sa naging desisyon ng Elemental Ministry sa kalagayan nina Fire. Nandito pa rin tayo sa eksenang ito. Dito pa rin sa loob ng Elemental Hall kung saan hindi na nagiging maganda ang takbo ng pag-uusap ng mga Elemental Heads at Elemental Ministry. "Brizto, 'wag tayong padalos-dalos sa pagdedesisyon. Mga bata lang sila at hindi dapat humantong sa ganito," sabi ni Heiro na akala mo ay talagang isa siyang ama na nag-aalala sa kalagayan ng kaniyang anak. Gano'n katindi ang attachment niya kina Aria. Ayaw niyang mamatay sina Aria at Fire dahil kahit noon pa man ay tutol na rin siya sa batas ng Elemental World. Kahit na alam niyang mali ang ginagawa nina Aria ay hindi niya pa rin matatanggap na bigla n

