Aria's POV Sabi nga nila, ang asado, kinakain. Hindi inuugali. Akala ko, noong hinila ako ni Fire palayo kay Kai, akala ko nagseselos siya. O ano? 'Di ba expected naman na talaga na gano'n ang iisipin ko? Kaso, isa lang pala akong magandang assumera. "Fire, ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Loko na 'to. Feel na feel akong kaladkarin. "Manahimik ka!" Bigla naman akong natakot. Bakit ba 'to sumisigaw? Ano na naman ang kasalanan ko? "Fire, can you please tell me kung ano na naman ang kasalanan ko sa'yo ngayon para magalit ka nang ganyan?" I calmly replied. Kalma lang, Aria. Don't get mad. Hindi agad sumagot si Fire pero tumigil siya sa paglalakad. Tapos galit na galit siyang humarap sa akin. Okay, Aria. Say goodbye to earth na. "Hindi mo alam kung bakit ako nagagalit sa'yo?!" he angrily as

