Aria's POV Gusto ko ang mga surprise. As in! Pero itong sinabi ni Ciero? Utang na loob lang. Hindi nakakatuwa. "Ano'ng sinasabi mo, Ciero? Joke ba 'yan?" I asked. Langya! Kung si Fire lang siguro ang dadalhin sa sinasabi nilang maze na 'yon, baka kanina pa ako nag-victory dance dito. "No, Aria. It's a rule in Yoso." "What?! Rule? Bakit hindi naman ako na-inform?" Ay ang taray talaga. Hindi ko ba deserve na iinform? Kailangan lagi na lang akong magugulat sa mga ka-echosan escapade nila? "As you know, ngayon pa lang ang umpisa ng regular class dito sa Yoso at ipinakita mo agad na hindi kayo magkasundo ni Fire." "Pero----" "Wala nang pero-pero, Aria." Hindi na ako nagsalita pa dahil nakakatakot ang itsura ni Ciero. Parang naging kamukha niya 'yong principal namin sa school noong nasa m

