Aria's POV
Maaga akong nagising which is isang himala dahil hindi ako morning person. Pero may narinig kasi akong ingay sa labas ng kwarto ko kaya nagising ang natutulog kong kaluluwa.
Bakit ba lagi nalang maingay si mama tuwing umaga? Sinasadya niya ba 'yon?
"Ma! 'Wag ka ngang maingay! Inaantok pa po ako!" I shouted.
"Hey, Aria, good morning!" Teka, sino 'yon? Bakit iba ang boses? Bumangon ako at agad kong binuksan ang kwarto ko.
"Sino kayo?!" gulat na tanong ko sa tatlong tao na nakikita ko.
"Ano ka ba naman, Aria. Do you have an amnesia or what? I am Thea, and the one who's cooking is Fire and this one who's talking with bird is Kai. Naaalala mo na ba?" Thea said. As much as I wanted to make myself believe na panaginip ko lang ang nangyari kahapon, mukhang hindi talaga.
"Hey, Aria. You still look perfectly beautiful kahit na bagong gising ka," sabi ni Kai at bigla kong naisara 'yong pinto ng kwarto ko. Ang aga aga, nagpapakilig na naman si Kai. Sapukin kita dyan e!
I hurriedly get inside my bathroom. Naghilamos ako at nagtoothbrush. Iniikot ko ang buhok ko sa taas ng ulo ko. Hindi ko ugali ang magsuklay ng buhok ko kapag bagong gising. Nakasuot lang ako ng blue shirt at jogging pants. Hiyang-hiya naman ako sa suot ni Thea na mukhang mamahaling damit na pantulog. So ano? Insecure ka na niyan, Aria? Sabi nga ni Kai, ikaw ang pinakamaganda diba? Keri mo yan.
Lumabas ako ng kwarto ko at naabutan kong naghahain na ng pagkain si Fire. Aba! Ayos ah. Cook lang ang peg?
"Aria, take a seat." Said by Kai. Umupo ako sa tabi niya at katabi ko rin si Fire.
"Bakit nga pala ganyan ang mata mo, Fire? Hindi ka ba nakatulog kagabi?" tanong ni Thea habang kumukuha ng tinapay at omelette.
"May isa kasi diyan na hindi nagpatulog sa'kin." Bigla naman akong inubo sa iniinom kong kape. Sinamaan ko ng tingin si Fire.
"Ako na naman 'yang tinutukoy mo?" I asked. Aba! Hindi naman na ako umiiyak kagabi ah.
"Sino pa ba? Alangan naman si Thea?" Nang-iinis talaga ang isang 'to. Akala ba niya nakalimutan ko na 'yong ginawa niya kagabi sa akin? Tama ba naman na iabot sa akin 'yong baso ng gatas na sobrang init pala?! Buti sana kung Fire person din ako!
"Ikaw, namumuro ka na sa'kin!" Binatukan ko si Fire. Kainis na lalaki to. Kala mo gwapo! Tse!
"Aba loko ka ah!" Kinurot niya 'yong pisngi ko. Masakit din pala mangurot ang walangya nato!
"Sumusobra ka na, Fire!" Napatayo na ako at biglang lumakas ang hangin sa loob ng bahay namin at nakita ko si Fire na medyo nag-aapoy ang kamay.
"Hey, hey, hey! Kumalma nga kayo. Kai, ilayo mo si Fire," Thea said.
"No need," sabi ni Fire at biglang nawala 'yong apoy sa kamay niya. Pero 'yong hangin sa loob? Gano'n pa rin. Kasi galit pa rin ako!
"Wag mo akong inisin, Fire! Nag-uumapaw na ang pagiging stress ko sa'yo!" I shouted bago ako pumasok sa kwarto ko.
"Bwisit talaga!" Ang galing mang-inis ng leche na 'yon!
"Aria?" It's Kai. Paano naman 'to nakapasok dito? Nagteleport din ba to?
"Tama ka. Earth teleportation ang tawag sa ginawa ko." Haynako! Nakakabasa nga pala ng iniisip ang isang 'to.
"Don't worry, nababasa ko lang naman ang iniisip mo kung gugustuhin ko," he said bago siya umupo sa tabi ko.
"Aria, kaming tatlo nina Fire at Thea, kaya naming kontrolin ang kapangyarihan namin. Ikaw, hindi pa. Kaya hangga't hindi ka kumakalma, patuloy lang din ang hangin na nakikisabay sa galit mo."
"Nakakainis kasi si Fire e!" Parang bata naman ako na nagsusumbong kay Kai.
"Gano'n lang talaga ang ugali ni Fire pero mabait 'yon. Tingnan mo, sinamahan ka niya sa pagpupuyat mo kagabi. Hindi ko siya maintindihan kasi pwede niya naman makontrol kung gugustuhin niya bang maramdaman ang nararamdaman mo o hindi. Pero mas pinili niya pa rin na maramdaman 'yong lungkot mo. Kapag ginagawa niya kasi 'yon, nahahati ang sadness mo. Napupunta sa kanya 'yong kalahati. Kaya imbes na hindi ka makatulog kagabi, you managed to sleep." What the heck?! May gano'n talaga?! So dapat pa pala akong magpasalamat sa Fire na 'yon kasi nakihati siya sa lungkot ko?! Ay ang tindi naman ng nalalaman ko!
"Believe me, Aria, hindi namin gugustuhin na saktan ka. Magkakapamilya tayong apat. 'Yan sana ang isipin mo. Kahit gano'n ang tingin mo kay Fire, hindi niya pa rin maitatago na concern siya sa'yo gaya ng pagkaconcern namin ni Thea."
"Sorry. Ang impulsive ko lang. Nasanay kasi ako na dinadaan sa sigaw ang galit ko," I explained. Nakakahiya ka, Aria.
"It's okay. Naiintindihan ka namin. Kaya nga tayo nandito sa Yoso para matutunan nating gamitin nang ayos ang kapangyarihan natin. Akala ng ibang elemental people, ang sarap maging anak ng Gods or Goddesses kasi kayang imanifest lahat ng kapangyarihan. They didn't know that the number of powers that we have are the same number of responsibilities that we will do."
Haynako. Ni isa nga sa powers ko hindi ko alam gamitin. Ang alam ko lang, kasabay kong nagagalit ang hangin kapag masama ang loob ko. Ano pa kaya ang powers na meron sa'kin?
"Malalaman mo lahat ng kapangyarihan mo, Aria. Sa ngayon, lumabas ka na muna at kumain at pagkatapos ay gumayak ka na kasi ngayon ang unang araw ng pag-aaral natin dito sa Yoso. Kapag okay ka na, I hope that you can talk with Fire," he said bago siya lumabas sa kwarto ko.
Medyo nakaramdam ako ng pagka-guilty. Imagine? Nakihati pala sa akin si Fire sa kalungkutan ko kagabi? Kaya pala pagkatapos kong inumin 'yong gatas na binigay niya, medyo gumaan 'yong pakiramdam ko. Kahit na hindi ko alam kung anong oras ako dinalaw ng antok.
I should apologize to him. Pero bakit ako magsosorry e ang sama ng ugali niya sa akin?! Gumagawa siya nang mabuti sa masamang paraan.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako ulit lumabas sa kwarto ko. Nakita ko si Thea na handa na sa pagpasok. Para ka talagang Dyosa, Thea. Nakakahiya naman sa ganda mo.
"Hi, Aria. Okay ka na ba? Kumain ka na. Hihintayin kita. Sabay na tayong pumasok. Nauna na kasi sina Kai at Fire," she said. Nahihiya talaga ako sa inasal ko kanina. She looks so decent. Tapos ako? Parang palengkera lang.
"Thea,"
"Yes, Aria?" She looked at me and smiled.
"Sorry pala kanina. I should have known how to control my emotion," I said. Lumapit siya sa akin tapos niyakap ako.
"You don't have to apologize. We understand you so much. Even Fire, naiintindihan ka niya. Hindi ka niya gustong saktan kanina. You see, if the wind is ready to join with your anger, gano'n din ang apoy kay Fire. Kahit na ayaw niyang may lumabas na apoy, hindi niya rin 'yon napigilan. Pero kaya niyang kontrolin 'yong apoy na 'yon, unlike you, Aria. Hindi mo pa kasi alam kung ano'ng mga dapat mong gawin para makontrol mo ang kapangyarihan mo. Believe me, Fire will never hurt you. None of us will hurt you." Medyo naiyak ako sa sinabi ni Thea. Ano ba 'yan. Kasalanan ko talaga lahat e.
"I'll talk to Fire. Magbibihis lang ako, Thea." She nodded her head as an answer. Agad akong naligo at nagbihis. Kaya mo yan, Aria. Lunukin mo na lahat ng pride mo. Para sa kapayapaan ng mundo!
Habang naglalakad kami ni Thea, maraming nakatingin sa amin. Weh? Sa inyo? Baka kay Thea lang? Kay Thea nga lang sila nakatingin. Ang ganda naman kasi talaga niya. Nagmumukha tuloy akong alalay sa kaniya. Ang suot niyang damit ay parang sa mga Dyosa talaga e. Samantalang ako, red shirt at skinny jeans lang.
"Magandang umaga, Princess Thea," sabi 'yan ng mga nakakasalubong namin na blue ang mata.
"Sino 'yong kasama ni Princess Thea? Galing sa Kaze Kingdom?" Aba! Uso din pala ang bulungan at tsismisan dito sa Yoso?!
"Grabe! Siya ba talaga ang anak ni Aire? Hindi halata. Mas mukha pa akong prinsesa e!" Aba't loko 'yon ah! Sasabunutan ko na sana 'yong nagsalita pero paglingon ko, wala namang tao. Teka, ano 'yon? Naghahallucinate ba ako?
"Thea, wala ka bang naririnig na nagbubulungan sa likod natin kanina?" Pakiramdam ko kasi nasa likod ko lang sila. Hindi kaya uso din ang multo dito sa Yoso?
"Wala naman akong naririnig, Aria. Ano ba 'yong narinig mo?" Aba. Alangan naman sabihin ko na naririnig ko ang mga tsismosang palaka na sinasabing hindi ako mukhang prinsesa? Hindi 'yon makatarungan!
"Ah wala. Baka guni-guni ko lang," I said tapos naglakad na uli kami.
"Aria!" Paglingon ko, si Tyrone pala 'yong tumawag sa akin. Kasama niya si Dereck.
"Magandang umaga, Princess Aria," sabi ni Derreck.
"Ano 'yang dala mo?" I asked. May bag kasi siyang dala. Don't tell me, aalis na siya sa Yoso? Agad-agad?!
"Mga damit mo ito, Princess Aria. Pinapabigay ni Heiro." Teka,kailan pa 'ko nagkaroon ng ibang damit bukod sa dala kong damit?
"Sasamahan ka na namin sa paghatid mo sa mga damit mo," sabi ni Tyrone. Bakit ba napaliligiran ako ng mga gwapo? 'Yan ka na naman Aria. Kumekereng keng ka na naman!
"Magandang umaga, Princess Thea," sabi ni Derreck. Nakalimutan ko na kasama ko nga pala si Thea. Ano ba naman, Aria. Nakakita ka lang ng gwapo, naging ulyanin ka na?!
"Thea, siya nga pala si Tyrone. Kasama ko siyang dumating dito kahapon," I said.
"Hello, Princess Thea," Tyrone said. Aba! Prinsesa din naman ako ah! Bakit Aria lang ang tawag sa akin ni Tyrone?!
"Magandang umaga rin, Ty. Aria, mauna na ako sa'yo ha? Magkita na lang tayo sa classroom natin," she said and waved at us.
"Tara na?" Tyrone said pero inirapan ko lang siya. Bwisit na 'to! Ako ang prinsesa niya pero hindi niya ako tinatawag na prinsesa?!
"Aria, sandali." Bahala ka diyan! Si Thea ang habulin mo. Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglakad hanggang sa...
"Aray!" May nabangga na naman ako.
"Kung bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo," masungit na sabi niya.
"Sorry naman ha?! Kung sana kasi marunong kang umiwas 'di ba?! Nakaka------"
Akala ko kung sinong elemento ang nabangga ko. 'Yon pala, isang lalaki na may talent sa pang iinis. Sino pa nga ba ang tinutukoy ko?
Malamang, si Fire.