Chapter 3: Tiny

3125 Words
Sa loob ng isang dressing room nakaupo si Cristine habang inaaplayan siya ng make ng isang stylist. “Okay paki check nga kung may gusto ka pang iayos” tanong ng bading. Humarap si Cristine sa salamin at agad agad nanlaki ang mga mata niya. “Ang kapal ng make up! Ayaw niya ng ganito! Jelly! Jelly! Jelly!” sigaw ng dalaga kaya pumasok ang kanyang personal assistant. “Palabasin mo tong baklang ito, look at what she did to my face!” sigaw ni Cristine kaya tinitigan siya ni Jelly. “Okay naman” bulong niya kaya pinalakihan lalo ni Cristine mga mata niya. “Anong okay?” tanong ng dalaga. “Labas! Labas! Mali yung ginawa mo!” sigaw ni Jelly sabay kiladkad yung kapwa bading niya palabas ng dressing room. Sa labas tinabi ni Jelly yung stylist, “Uy pasensya na, naka beast mode nanaman siya e. Sorry ha, ako nalang mag aayos” bulong niya. “Naririnig kita! Gusto mo makita ang beast mode ko? Pumasok ka dito at ayusin mo ito, ayaw niya ng ganito!” sigaw ni Cristine. “Sino ba yung siya?” tanong ng stylist. “Naririnig ko parin kayo! Jelly nasan yung manika ko? Nasan yung karayom?” tanong ni Cristine kaya tinulak na ni Jelly palayo yung stylist saka agad pumasok sa dressing room. “In fairness natawa ako sa manika” sabi ng bading kaya napangiti si Cristine. “Paki ayos naman to, ayaw niya ng ganito. Plain and simple, yung ang gusto niya” lambing ni Cristine. “Ako bahala, sit down and open your laptop then watch his videos again” sabi ng bading kaya binuksan ni Cristine laptop niya sabay nilagay sa video ni Enan. “Jelly ito yung bagong video nila ni Greg. Napanood mo ba ito? Nakakatawa sila grabe” sabi ng dalaga. “Mamaya ko panoorin, wow dami views ha, ten thousand, ilang thousand yung sa iyo?” biro ng bading kaya natawa si Cristine. “Jelly tignan mo si Greg o, walang pinagbago habang si Enan tignan mo. Tignan mo siya o” sabi ni Cristine. Lumapit si Jelly at binuhat yung laptop, “Si Enan na ito? My God! Teka gumwapo siya dahil katabi niya si Greg o gumwapo siya talaga?” tanong ng bading. Binawi ni Cristine yung laptop, hinaplos mukha ni Enan sabay biglang natili. “Pumayat siya, I mean lumabas tunay na form ng face niya then kuminis mukha niya. Or dati na bang ganyan? Nakwento ko na ba sa iyo na we accidentally kissed?” tanong ni Cristine sabay pinaglalaro buhok niya. “Ah lampas twenty times” sagot ni Jelly. “Di ko pa nakwento” sabi ni Cristine. “Ay oo hindi pa, share mo nga ulit” banat ng bading. “Hihihihi, hay what is happening to me?” drama ni Cristine sabay biglang tumayo at kinuha phone niya. “Wala na ako ginawa kundi titigan phone ko! Hindi man lang siya nagtetext o tumatawag?! Bakit Jelly? Naka full volume na nga yan e, kung pwede lang iset to vibrate kung saan lilindol yung paligid para malaman ko may text siya ginawa ko na e! Hindi na ako nakakatulog kakaantay!” “Ano yan? Nagpapamiss ba siya? Buti pa yung mga suitors kong iba text ng text kahit na ayaw ko sila katext. Lahat sila nasa spam list ko! Bakit ganon Jelly? Kung sino pa yung mga ayaw mo sila pa yung text ng text? Ay teka alam mo ba yung bagong artistang isa bobito pala tapos jejemon hahahaha” “I am sure pag nabasa ni Enan yung mga text niya gagawa ulit siya ng jokes, Jelly subukan mo nga gumawa ng joke, dalian mo” sabi ng dalaga. “Tapos pag hindi ka matawa beast mode ka ulit? No thanks, maupo ka nga ay ayusin ko na make up mo. Ayusin ko sa tamang gusto ni Enan” sabi ni Jelly kaya agad naupo si Cristine at napangiti. “Jelly did you like the dress I bought you?” tanong ni Cristine. “Sobra, grabe ka ang mahal pala non. Parang ayaw ko tuloy isuot. Nandon lang sa kwarto ko at parang gusto ko siya ipaframe” sabi ng bading. “Isuot mo! Gusto ko makita tapos bibilhan ulit kita. Jelly gusto mo kumain tayo sa Japanese resto mamaya? Diba sabi mo minsan gusto mo tempura?” lambing ng dalaga. “Hindi na, biro ko lang yon” sagot ng bading. “Sige mamaya Jap resto tayo. O tapos narinig ko na gusto mo daw mag enroll sa yoga classes, kaya ganito gawin mo, piliin mo yung pinakamagaling…teka pag si Enan e..piliin mo babae instructor tapos isama mo ako. Sabihin mo yung small class para maka focus siya sa atin okay?” sabi ni Cristine. “Talaga? As in?” tanong ni Jelly. “Yup, gym sana pero baka magka muscles ako so mag yoga tayo. Gusto ko din siya paghandaan” bulong ni Cristine. “Thank you sis, ay grabe sige manood ka pa, iplay mo na para habang inaayusasan kita mapanood ko narin” sabi ni Jelly. “Sira ulo ka ba? Ano na mangyayari sa mukha ko kung tawa ka ng tawa? Ano gusto mo mangyari sa akin sa interview magmukha akong bruha? Jelly naman mag isip ka naman. Wait, I apologize for raising my voice pero siraulo ka parin at dapat mag isip ka” sabi ni Cristine. Ilang minuto lumipas sa set iniinterview na ng live si Cristine. “Direk Mitoy told me sobrang galing mo daw sa shooting. He told me that lahat daw mabibilib pag napanood nila yung movie” sabi ng isang host. “Di naman po, I just love my job” sagot ni Cristine sabay ngumiti. “Makatotohanan daw talaga ang lahat ng eksena and he told me that he would not be surprised daw if napakyaw mo lahat ng major acting awards” sabi ng host. “I was just doing my job, I did my best to interpret my character in the story” sabi ni Cristine. “Cristine nagbago ka, and I am really liking what I am seeing” sabi ng host. “Thank you so much, pero kayo po lalo kayo nawawalan ng buhok” sagot ni Cristine kaya biglang tumahimik sa set. Sina Arlene at Jelly sa back stage parehong nakanganga at naninigas sa gulat. Biglang humalakhak yung host ng todo kaya lahat nakahinga ng maluwag, “Nagulat ako don, si Cristine nagpapatawa. This is something new” sabi ng host. “Well nagpaparinig lang ako baka gusto naman nila ako istar sa isang comedy” pacute ni Cristine. “Wow, you really have changed, parang ang gaan ng aura mo ngayon compared to before na parang may barrier ka” sabi ng host. “I am trying, to all that I have wronged in the past I would to apologize” sabi ni Cristine kaya pumalakpak talaga yung host. “Wow, simply wow” sabi niya. Sa back stage napakamot si Jelly habang si Arlene tulala, “Jelly anong nangyayari?” tanong niya. “Hindi ko alam” sagot ng bading. “Cristine, itong pagbabago mo ay dulot ng ispirasyon? There are rumors na nagkakaigihan daw kayo ng co-actor mo” sabi ng host kaya biglang nanlaki ang mga mata ni Cristine. “Uh oh…please wag” bulong ni Jelly. “Cristine maawa ka, wag” dagdag ni Arlene. “That is not true, eto lang ha, ang trabaho ay trabaho. Wag niyo lalagyan ng issue, para matapos na yang rumors na yan, wala! Hindi mangyayari at itaga niyo yan sa likod ni Godzilla” sabi ni Cristine. “Hey look, if I may?” dagdag niya. “Go ahead” sabi ng host. “I don’t get it, bakit pa kailangan gawin love team ang dalawang artista? Para ba kumite ang sine? Di ba kayo pwede magtiwala sa amin nalang at sa aming kakayahanan para magbigay ng magandang palabas?” “Kailangan pa ba talaga gawin love team ang dalawang artista para lang may dagdag kilig? So anong point diyan? Manonood lang yung mga tao kasi alam nila love team yung dalawa at bale wala na yung kwento ng sine? Sapat na ba yung makita niyo yung dalawa na magkasama?” “E bakit pa kami mag eeffort bilang artista? We hone our crafts and skills pero in the end wala din lang palang kwenta kasi ang gusto lang makita ng tao magkasama yung dalawang arista?” “We are people too, so ano itatabi namin real life namin or chance in a real love life for a pretend love life just to make the movie a hit? Ano pang sense ng pagiging artista pag ganyan pala? Oh no! Don’t you dare put this show on commercial yet” “You can fire me later if you want. Ano pang silbi ng acting lessons, workshops, pagpupuyat, pagtitiyaga kung ang kailangan lang pala gawin e magpakita sa set kasama yung ka love team then tapos, umakting lang na kunwari love team talaga para bumenta ng tickets” “Artista kami, we act, yan ang trabaho namin. Kung anong role ibigay sa amin paghihirapan namin gampanan yung role na yon sa aming makakaya. This kind of thinking, nakakahiya, bigyan galang naman natin yung mga naunang mga actor at actresses ng nakaraan” “So kahit basura ang kwento basta nandon yung love team kikita, pano na yung walang love team na sine pero ang ganda ng mensahe ng pelikula? The movie we are doing I agreed because I liked the message the story will impart to the viewers, nagpuyat ako to learn my role, nag ensayo ako at nagsakripisyo pero malalaman ko nalang na kikita lang yung sine kasi akala ng lahat love team kami? Hello no! Its never going to happen” “You all can hate me if you want, I do not care. Basta ako pag binigyan ako ng role gagampanan ko yung role na yon sa buong kaya ko at higit pa. Walang love team, walang nagaganap, walang magaganap, I don’t like him and will never like him. Bash me if you want but that is the truth” sabi ni Cristine sabay biglang tumayo at nag walk out. “Oh my God..Oh my God” bigkas ni Arlene habang si Jelly tumakbo para habulin yung dalaga. Napasugod si Arlene sa producer para humingi ng tawad, yung host naman tulala parin sa set kaya pumasok na sa commercial yung show. “What the hell just happened? Why did you go to commercial?” sigaw ng host. Tinuro ng floor director yung producer kaya umatras si Arlene. “Because she is right and I agree with her, its about time someone spoke about it” sabat ng producer kaya nagulat si Arlene. Sa loob ng dressing room pa hum hum lang si Cristine habang nagtatanggal ng make up kaya si Jelly litong lito. “Ah..ah..” bigkas ng bading. “Ano yon Jelly?” tanong ni Cristine sa sobrang lambing na boses. “Wala naman, so tuloy tayo sa Jap resto?” tanong niya. “Oo naman, tawagan mo yung BFF mo then isama natin si manong” sabi ng dalaga. “Oh okay, ah may kailangan ka ba before we leave?” tanong ni Jelly. “Puntahan mo si Arlene, isama natin siya. Dali sunduin mo na” sabi ng dalaga kaya agad lumabas si Jelly. Naupo si Cristine, nilabas phone niya sabay tinitigan wallpaper niya kung saan si Enan at siya ang nandon. “I am going to get bashed big time, wish you were here beside me when it happens” bulong niya. Nagkita sina Arlene at Jelly sa hallway, “Ano mainit pa ba ulo niya?” tanong ni Arlene. “Hindi nga e, katatapos mag beast mode then pagpasok ko angel mode siya” sabi ni Jelly. “What? What the hell is happening to her?” tanong ni Arlene. “Tara daw Jap resto, so ano sabi ng producer?” tanong ni Jelly. “Ewan ko na anong nangyayari, sang ayon siya kay Cristine kaya ayon nagtatalo sila nung host. Tara na alis na tayo dito, trending nanaman mamaya lola mo. Diyos ko po anong klaseng damage control nanaman gagawin ko dito” “Hindi beast mode ginawa niya, Jurassic mode yon. Malaking problema ito Jelly” sabi ni Arlene. “How big?” tanong ni Jelly. “Hindi ko pa alam pero mabibigat yung mga binitawan niya. Tara na ikain nalang muna natin ito” sabi ni Arlene. Sa loob ng Japanese restaurant abala si Arlene sa phone niya habang si Cristine pilit na nagsasalita sa Hapon kaya tawa ng tawa si Jelly at driver niya. “Arlene ibaba mo nga yan, kanina ka pang busy sa phone mo” sabi ni Cristine. “Trending ka nanaman kasi, ang dami mong bashers lalo na yung mga supporters nung ibang love teams. Ang nakakatuwa dito ang sumasagot sa kanila e yung ibang artista na sang ayon sa sinabi mo” “Everytime na may artistang sumagot wala nang sabat yung mga supporters ng ibang love teams” kwento ni Arlene. “Ay talaga? Hala te may rebolusyon ka atang sinimulan” sabi ni Jelly. “Para paraan lang yan para makaalis ako sa isang clause ng aking contract” “I spoke the truth, hindi labag sa contract yon. Oh yes I had a friend help me understand the fine print. So they have to honor the contract, now I don’t have to honor the love team clause. If ipilit nila huh ilalabas ko yang contract in public para makita ng tao ang katotohanan” “So I win no matter what happens. If alisin nila ako wala ako pake, mag aaral nalang ulit ako. They invested so much in the movie so I am sure ipapalabas yon, I really did my best so if alisin man ako nung isa I am sure kukunin ako ng iba” “Wag kayong mag alala, inisip ko din kayo. I had this all planned pero, alam ko naman yung takbo ng mga interview, one hundred percent itatanong yang love team love team nay an so I was ready” “I am sorry if di ko kayo sinabihan pero I thought like Enan, tinanong ko sarili ko what would Enan do. So I started thinking like him, inuna ko yung mga consequences ng actions ko pero towards you all. If nakit ako tagilid at labis kayong maapektuhan then di ko itutuloy” “So don sa movie tiniis ko makasama yung pesteng actor na yon, I did my best and I think I brought out my best. Insurance policy ko yon. Sakto dumaldal si direk, ayon sabi ko eto na opening ko” paliwanag ng dalaga. “I hope you are right” sabi ni Arlene. “I know I am right, wag kang gagawa ng damage control. I stand by what I did, its their move. Ipakita nila sa mga tao kung sino sila at ano panindigan nila. Huh” sabi ni Cristine. Bandang hating gabi nagising si Jelly nang makarinig siya ng malakas na tawa. Pumasok siya sa kwarto ni Cristine at nahuli ang dalaga na tila nasisiraan ng bait sa katatawa. “Ano nanaman yan?” tanong ng bading. “Panoorin mo dali” sabi ng dalaga kaya tumabi si Jelly sa kama at inulit ni Cristine yung video. Sa screen nakita si Enan at Greg na magkatabi, “Pare kung ikaw ang Intergalactic Bae, ano naman ako?” tanong ni Greg. “Syempre Bae ka din, pero pag sinabi ko sa iyo baka hindi maintindihan kasi sinuggest ito ng isang fan ko mula sa planet X204. Oo meron talaga yon kahit itanong mo pa sa mga nagnanasa sa akin galing NASA” sagot ni Enan. “Sige ano tawag sa akin?” tanong ni Greg. “Claw Bae” sabi ni Enan. “Claw?” tanong ni Greg. “Mali, ang tamang bigkas sa salitang alien at Ke, parang letter K, so Klaw, hindi slang na claw” paliwanag ni Enan. “Klaw Bae, so anong meaning non?” tanong ni Greg. “Ay teka, mali ata ako. Wait, kasi sa salitang alien reverse pagbasa e” sabi ni Enan sabay ngisi. “Bae..Klaw..gago ka!” sigaw ni Greg. “Manners naman Greg, naka video tayo” sabi ni Enan. “Naka video nanaman? Saan?” tanong ni Greg kaya tinuro ni Enan yung hidden camera niya sa kwarto. “Nanaman? Iuupload mo nanaman ito ano?” tanong ni Greg. “Hindi ko inuupload, parang collection ko lang. Pare isipin mo pagtanda natin meron tayong video memories. O diba? Imagine when we are older pare, when we have our own families, syempre magkakalayo na tayo but this videos will remind us of each other o kaya will remind us how we were when we were younger” sabi ni Enan. “At pare, imagine pag may anak ka na. Tapos nagloko siya, ipanood mo ito after mo pagalitan. Pakita moa no din kalokohan natin para naman kahit matapos ng sermon e makita niya na kwela ka din naman” “At isa pa pare, mahirap ipreserve yung mga laman ng museums, what if something happens? O then the children of the future will not know about the evolution…at least sa video na ganito makikita nila ang isang living, breathing and talking gorilla” banat ni Enan kaya sumigaw si Greg. “Louder pare, let them hear the roar of the true goriila” hirit ni Enan kaya halakhakan na sina Jelly at Cristine. “Wait pare, of course I love you and I was just kidding. O kanta nalang tayo pre, sabayan mo ako ha” sabi ni Enan. “Ba ba ba ba banana” hirit ng binata kaya sumigaw ulit si Greg at naputol na yung video. “Anong channel yan?” tanong ni Jelly. “Sa f*******: lang niya” sagot ng dalaga. “Aha stalker!” biro ng bading kaya napangiti si Cristine. “Eto lang ang ayaw ko…this photos, new ones” sabi ni Cristine sabay turo sa katabi ni Enan. “Oooh prettylicious, sino siya?” tanong ni Jelly. “Jessica something…he calls her Ikang. Siguro kapatid ni Clarisse or pinsan kasi hawig sila o” sabi ni Cristine. “Oo nga no, so ano inaantay mo, magkaroon ng in a relationship status yung dalawa?” biro ni Jelly kaya tinignan siya ng masama ni Cristine. “Huh…gusto mo ba makita Kraken mode ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD