“Inhale! Buga!” sigaw ni Jelly kaya natawa si Cristine. “Exhale naman” sabi ng artista. “Naka ilang wardrobe change ka na, halos nalibot mo na tong unit ilang beses since five ng umaga. Pangalawang ligo mo na. Daig mo pa yung teenager na pupunta sa first date” sermon ng bading. “He said it out loud, I am taking you on a date. Jelly on a date. He never says that” sabi ni Cristine. “O di wag date, lalabas lang kayo. Antipatika ka gustong gusto mo naman. Wag ka na magbibihis, yan na suot mo” sabi ni Jelly sabay ayos sa off shoulder blouse ng dalaga. “Baka magalit siya, exposed shoulders ko” sabi ni Cristine. “Ang gulo gulo mo! Kanina ginaya mo porma ni Jessica, tapos ginaya mo porma ni Mary Grace, so ano gusto mo mangyari? Ha? Magbigay hints sa kanya na ay teka ganito porma ni Jessica…so si

