“Binigay ko naman address, sinabi ko naman ano oras. O tapos na ang shooting ni anino niya hindi ko nakita. He promised me Jelly, nagbago na siya talaga. Icheck mo nga yung f*******: nung babae na yon at baka nag inarte siya na may sakit siya para pigilan lakad ni Enan” litanya ni Cristine.
“Uy dahan dahan sa pagpunas ng mukha mo naman” sabi ng bading. “Bakit pa? Grabe ginalingan ko yung mga huling eksena, I was thinking na baka anytime dumating siya pero wala. Grabe pinaasa niya ako, ang sakit masyado, nagpromise siya Jelly e” sabi ni Cristine.
“E baka nagkaaberya lang, tawagan mo kaya” sabi ni Jelly. “E di sana siya yung nagtext o tumawag man lang. After the ice cream date I was waiting for his text or call pero wala. So ano yon? Get together lang? Ang taas naman ng ibabagsak ko” sabi ng dalaga.
“Ano ba kasi ineexpect mo?” tanong ni Jelly kaya tinignan siya ng masama ni Cristine. “Iligpit mo na mga gamit, umalis na tayo dito” sabi niya. “E may salo salo pa diba?” sabi ni Jelly. “E di maiwan ka dito” sabi ni Cristine sabay kuha sa bag niya at lumabas ng kwarto.
Humabol si Jelly bitbit yung ibang gamit, may mga staff na humarang kay Cristine kaya agad sumenyas si Jelly na mainit ulo niya. Tumabi yung mga staff, pagkalabas ni Cristine ng bahay agad siya napatigil kaya bumangga si Jelly sa likuran niya.
Napabaante si Cristine at muntikan nang nadapa, kaya naghanda na yung bading sa bagsik ng dalaga. Pumikit na si Jelly ngunit wala yung inaasahan niyang pagwawala ni Cristine, minulat niya dahan dahan mga mata niya, nakita niya yung dalagang parang estatwa na nakangiti lang. Sa malayo nakita ni Jelly si Enan kaya agad siya tumingala sa langit at nagpasalamat.
Lumapit si Cristine sa binata sabay nakita yung cordon at hinaplos ito. “Nadrain ako kasi I had to find this place using Google Maps navigation tapos hindi ako pinapasok pero okay lang kasi pinayagan naman ako lumapit konti. Napanood ko yung few scenes” sabi ni Enan.
Hinawakan ni Cristine yung cordon sabay tinignan yung gwardya. “Hey let it go, he was just doing his job” sabi ng binata pero nanlisik ang mga mata ni Cristine, biglang inulit ni Enan yung isang linya ng dalaga kanina sa shooting kaya nagulat si Cristine.
Nagkatitigan sila, ang dalaga medyo napangiti, “I really watched you” bulong ni Enan sabay haplos sa mga braso ng dalaga. “Okay” sagot ni Cristine. “So pauwi ka na ba?” tanong ni Enan. “Jelly sira parin ba yung kotse?” tanong ni Cristine kaya lumapit si Jelly. “Ano yon? Sira yung kotse?” tanong ng bading kaya humarap sa kanya ang dalaga.
“Sira parin?” sabi niya sabay pinalakihan ang kanyang mga mata. “Grabe I wanna get out of this place na, ano oras maayos daw?” drama ng dalaga kaya nautal si Jelly at nalito. “Hey ako namaghahatid sa iyo” alok ni Enan kaya super ngiti si Cristine habang kaharap si Jelly.
“Really?” tanong ng dalaga. “Oo naman, akin na yang mga dala mo Jelly. Medyo malayo yung pinagparkan ko kasi. Bawal lumapit ibang kotse daw dito e” sabi ni Enan. Iaabot ni Jelly yung mga gamit pero pinigilan siya ni Cristine, “Uy samahan mo nalang si manong, kawawa naman siya mag isang babalik. Tapos may kainan pa naman so invite manong at makikain kayo” sabi ni Cristine.
“Ah okay, oo kasi sira yung kotse at kawawa naman si manong. Sige na Enan susunod nalang kami pag naayos na yung kotse” sabi ni Jelly. “Nasan ba yung kotse? Baka makatulong ako, medyo naturuan naman ako ni Greg e” sabi ni Enan. “Uy hindi na, sige na alis na kayo. Kanina pa kasi naghahanap ng ice cream itong babae na ito at wala naman ice cream dito” sabi ni Jelly.
“Oh okay, Tiny mukhang mabigat bag mo kaya akin na. Medyo malayo lalakarin so if you want wait here sa shade at kunin ko yung kotse. Sabihan niyo nalang yung guard na papasukin ako” sabi ng binata. “Come on lets walk” sabi ni Cristine.
“Uy Cristine gusto mo humiram akong payong? Diba ayaw mo naglalakad pag malakas sinag ng araw” landi ni Jelly. “Pag tanghali yon, lampas tanghali na, come on labs..ay Enan” sagot ni Cristine sabay inabot bag niya sa binata at medyo humawak sa isang braso nito.
Habang naglakakad inuulit ulit ni Enan yung mga linya ng dalaga kaya tuluyan nang yumakap si Cristine sa isang braso nito sabay sumandal. “Ang intense mo kanina grabe, tapos nung kissing scene…buti nalang may double” sabi ni Enan kaya kinilig si Cristine at nakurot braso ng binata.
“Bakit buti nalang?” tanong ng dalaga. “Ha? Hindi ah I meant pano yun e pareho lang naman kayo ng suot nung double at hairdo, di ba mahahalata yon?” tanong ni Enan. “Aaahhh well bahala na sina direk mag edit don. Kaya nga may different cameras e, kaya naka ilang take sila para makuha yung angle na magmukhang ako talaga yon” paliwanag ng dalaga.
“So ganon ba lahat ng kissing scenes” tanong ni Enan. “No, meron naman yung totoo, I mean yung mga artists na talaga. For me I don’t feel comfortable with my co actor so ayon ayaw ko ng kissing scene. He is courting me by the way” sabi ni Cristine sabay tinitigan yung reaksyon ng binata.
“I see, gwapo siya, matangkad, makinis ang mukha, so may pag asa ba siya sa iyo?” tanong ni Enan. “Kung meron man pumayag ako sa kissing scene” sabi ni Cristine. “So that means wala” sabi ni Enan. “Not a chance, kabago bagong artista ang hangin na agad. Gwapo kasi e kaya pinipilit maging artista, kahit gwapo kung wala talagang talent sana wag na ipush” sabi ng dalaga.
Biglang humarap si Enan sabay hinaplos pisngi ng dalaga. “Bianca, tao lang akong nagkakamali. Aaminin ko naakit ako kay Stella ngunit puso ko nagpigil sa akin..ikaw ang sinisigaw niya…kaya nandito ako sa harapan mo asking for another chance” bigkas ni Enan.
“I never lost faith in you, nasaktan ako Carlo pero kahit na ano pilit ko sabihin sa puso ko na tama na, ikaw din ang hinahanap hanap niya” sagot ng dalaga. “Bianca” bulong ni Enan, nanigas si Cristine nang nagka nose to nose na sila, pumikit na ang dalaga, mga labi niya bumukas, “Cut! Double pasok!” sigaw ni Enan kaya tumalikod si Cristine sa inis at nagbungisngis nalang.
“Kung ganon kagaling yung mokong na yon di hinalikan ko sana” sabi niya. “Did I do good?” tanong ni Enan. “Sobra, dinaig mo pa siya. Sabi ko nga kung ikaw sana kaeksena ko kanina at ganon kagaling delivery ako pa yung unang hahalik sa iyo” sabi ni Cristine.
“Tiny, ako to e. Intergalactic bae ito, ako yung universal leading man diba? Pero tulad ng sabi ko naawa ako sa ibang actors, pag ako sumalang baka ako nalang lagi hanapin ng lahat ng producer. Unfair naman kung sa Oscar awards e lahat ng nominee ako diba?” landi ni Enan kaya natawa ang dalaga at dumikit ng husto sa binata.
“Tiny that is my Birdy” sabi ni Enan. “Ay nahawakan ko ba?” tanong ng dalaga sabay bumitaw. “Ha? Hindi yung kotse ko si Birdy, ayan o. Birdy kasi color green siya” sabi ni Enan kaya napahalakhak ng malakas yung dalaga.
Sa loob ng kotse inayos ni Cristine upo niya, “I know this is an old model pero grabe parang bago siya” sabi ng dalaga. “Swerte ko nga e, long story pero sobrang swerte ko talaga makuha ito ng mura” sabi ni Enan.
Titig lang yung dalaga sa binata kaya napakamot si Enan, “Bakit Tiny?” tanong niya. “Wala naman pero ikaw parin yan” sabi ng dalaga. “What do you mean? Nagbago ba ako?” tanong ni Enan. “Hindi, siguro naninibago lang ako or maybe di lang sanay na makasama ka ulit ng tayong dalawa lang” sabi ng dalaga.
“E di sanayin” sabi ni Enan sabay pinaandar na yung kotse. “Ay oo nga pala may gig ka sa bar tonight, sayang kain sana tayo sa bagong restaurant ng isang friend ko. Tagal na niya ako iniinvite don kasi” sabi ni Cristine. “Malayo ba yon?” tanong ni Enan.
“Medyo, next time nalang” sabi ni Cristine. “You still have Mikan’s number? Drain kasi ako so pahiram phone mo at tawagan ko siya. Sabihin ko off ako tonight” sabi ng binata. “Uy wag na, hatid mo nalang ako sa condo then you can go to the bar” sabi ng dalaga.
“Tiny, nagmamaneho ako, pakitext nalang si Mikan. Or kahit ichat mo nalang sa Messenger kasi lagi naman yon online don. Ngayon nalang ulit tayo magsasama so sige na ichat mo na para alam niya wala ako mamaya” sabi ni Enan. “Stop the car, tawagan mo nalang siya. Here take my phone” sabi ni Cristine.
Tinigil ni Enan yung sasakyan sabay tinawagan si Mikan. Nung matapos yung tawag super ngiti si Cristine. “Okay na I am all yours Tiny” sabi ng binata. “All mine” bulong ng dalaga. “Yup, iyong iyo na ang intergalactic bae, kapag nakaramdam ka ng p*******t ng katawan mamaya wag kang magtataka kasi yan na yung milyon milyong kong tagahanga na kumukulam sa iyo” banat ni Enan.
“La..Enan..mali ata itong daan na ito” sabi ng dalaga. “Ha? Mali ba? Hala baka mawala tayo, hindi tama ata kasi dito ako dumaan kanina” sabi ni Enan. “O sige, pero okay lang kung mawala tayo nandyan ka naman e” banat ni Cristine. “Tiny relax, alam mo ang hirap pala magmaneho pag kasama kita” sabi ni Enan. “Bakit naman? Kasi kailangan mo maging careful? Don’t tell me kaskasero ka din tulad ni Toffee” sabi ng dalaga.
“Hindi naman, pag kailangan ko mag shift natetempt ako hawakan kamay mo. Namiss kita e, pag liliko tayo sumasama tingin ko lalo na pag right turn para tignan ka. Kahit nga left turn pumapalusot pa ulo ko na imbes na focus sa left e lilingon pa sa iyo” sabi ng binata kaya nanigas konti si Cristine at kinilig sobra.
“Bottomline, namiss lang kita siguro. Oo namiss kita” sabi ni Enan. Pinalo ni Cristine braso ng binata sabay kinurot pa ito, “Kay direk ka mag audition ng acting skills mo” sabi niya. Ngumiti lang si Enan kaya pasimpleng nagsimangot ang dalaga pagkat inasahan niya may follow through yung binata.
Naging tahimik sa loob ng kotse ng ilang minuto, nung may palikuan bungisngis si Cristine nang nahuli niya yung binata na nakatitig sa kanya. “Uy mabangga tayo” sabi niya. “Mahirap ba kasing paniwalaan na namiss kita?” tanong ni Enan sa madramang bigkas.
“Hay naku la..Enan. Oo na sige na naniniwala na ako” sagot ni Cristine. “O tignan mo nasa tamang daan tayo e, sige lang Tiny take a nap if you want alam ko naman pagod ka e” sabi ng binata. “Hindi ako pagod, medyo nairita lang eyes ko kanina nung pinununasan ko yung make up” sabi ng dalaga.
“Ay akala ko nagpapacute ka sa akin” banat ni Enan kaya napahalakhak yung dalaga. “Baliw, trust me you will know if nagpapacute ako sa iyo” sabi ni Cristine. “Pano nga ba magpacute? Kasi last time nag try ako inatake yung three years old na bata e, oo three years old, inatake sa takot” banat ni Enan.
“Not funny” sabi ng dalaga. “Ang taray naman, nangangapa pa ako, parang medyo nakalimutan ko na konti magpatawa pag kasama kita. Syempre ang tagal natin nawalay sa isa’t isa, nakikita ko ikaw parin naman si Tiny pero malay ko ba kung nagbago na yung mga taste mo sa tagal natin di nagsama” sabi ng binata.
“Alam mo kwentuhan mo nalang ako about Jessica, how was your date. Nakita ko post mo sa f*******: e” sabi ni Cristine. “Oh si Ikang, kababata ko yon. We just got reunited, tapos si Shan at Clarisse nagbreak kasi si Shan cheated on her pero eto ha, he has been cheating on her na pala for a long time. Then yung si Tommy at Jason, alam pala nila”
“Kaya sa tambayan lately kami nalang ni Greg” kwento ng binata. “Oh my God, hala kawawa naman si Clarisse. Is that why she cut her hair short?” tanong ni Cristine kaya napatingin si Enan sa kanya. “f*******:?” tanong ng binata. “Yeah I saw her photo there, kasi pag pagod ako after work higa ako tapos browse sa f*******: ganon” sabi ng dalaga.
“Oo pero ganon ba kayong mga babae? Pag hurt break e nagpapagupit talaga? Ano naman matutulong ng gupit na yon?” tanong ni Enan. “Symbolizes change maybe” sabi ni Cristine. “Nanay ko nagpagupit, should I be worried?” banat ni Enan kaya napatawa ng husto ang dalaga.
“Ayun lumusot yon ha” sabi ni Enan kaya tinadtad siya ng kurot ni Cristine. “Ang galing mo parin mag set up, ang bilis mo parin mag isip ng joke” sabi ng dalaga. “Eto nga nahihirapan ako ngayon e, naprepressure ako pasayahin ka” sabi ng binata. “Bakit naman, you don’t need to do that naman” sabi ni Cristine.
“E selfish ako e, gusto ko makita ngiti at marinig ulit tawa mo. Hello hindi lahat tungkol sa iyo no, may right din akong maging selfish” drama ni Enan kaya super napangiti ang dalaga. “O yan” bulong niya sabay nginitian ang binata ng sobrang tamis.
“All you had to was ask” dagdag ng dalaga. “Ang ngiting hiningi hindi kasing tamis ng ngiting kusa at walang malay na naibigay. Babalaaaahhh” banat ni Enan kaya umariba sa tawa si Cristine. Napahinto yung kotse, tawa ng dalaga biglang nalusaw at napalitan ng isang nakatamis na ngiti. “Just like that” sabi ni Enan sabay humarap ulit at nagmaneho.
“Para saan yung pahabol na kindat?” tanong ng dalaga na pulang pula na ang kanyang mga pisngi. “Shutter yon ng memory ko, parang camera ba, kinunan ng isipan ko yung ngiti mo para ma save sa memory ko. Oo nakasilent mode ako kaya walang click sound” sabi ni Enan kaya tinadtad siya ng kurot ng dalaga.
“Tiny kailan ipapalabas movie niyo?” tanong ni Enan. “Ewan ko pa, mag eedits pa sila at for sure may dubbing kami” sabi ng dalaga. “Tapos may next project ka ulit diba?” tanong ni Enan. “Well I have a month to rest pero not really rest kasi ipropromote pa namin yung movie”
“May mga TV guestings, mall shows at kung ano ano pa. Why?” sagot ng dalaga. “Ah wala naman, curious lang” sabi ni Enan. “Tell me” lambing ng dalaga. “Ah eh eto nga, parang eto, since may break ka from work e di ganito” sabi ni Enan.
Pigil ngiti si Cristine at nagmaangmaangan siya konti, “Anong ganito?” tanong niya. “Yung we go out, mall, kahit saan, o kahit tambay lang tapos get together” sabi ni Enan. “Alam mo I need to get in shape for my next project” lambing ni Cristine.
“Get in shape? Anong shape? Ang sexy mo na so anong shape bilog?” banat ni Enan. “Uy hindi ha, may konti akong fats tapos dito sa arms ko medyo saggy o” sabi ng dalaga. “Kurot lang na saggy, grabe naman ganyan ba sa showbiz?” tanong ni Enan.
“Oo at kasi yung next project ko I need to project na younger ako. Early college yung theme kasi, yung katatapos lang sakto lang then sa next project ang role ko is athletic scholar so kailangan maging fit talaga ako at mukha talaga akong athlete” sabi ni Cristine.
“Anong sport yan? Laglag panga? Pag yon gold medalist ka na no. Siguro paglalaway athlete, pang Olympics ka na te” banat ni Enan kaya super tawa si Cristine at tinapik dibdib ng binata.
“So gusto ko mag gym sana, si Jelly naman tamad kasi so if okay lang sa iyo then gusto sana kita maging gym buddy. I would really really feel safe if you were with me” sabi ng dalaga pabulong.
“Tsk” bigkas ni Enan sabay inuga ulo niya. “Okay lang pag ayaw mo” sabi ni Cristine. “Gusto ko kaya lang Tiny its going to be very dangerous. Kung sa lagay kong ito pinagnanasahan na ako ng milyones ano pa kaya pag nag gym ako?”
“Baka magreklamo na yung mga lalake, unfair na sasabihin nila pag nakita nila ako. Madaming madedepress Tiny, kulang ang mga hospital natin para sa mga masisiraan ng bait. Baka umuso yung slogan na I wanna be like Enan. Dati si Michael Jordan, sabi ng karamihan I wanna be like Mike kasi magaling siya sa basketball”
“The world will chant in unison, I wanna be like Enan. This is catastrophic, if I go with you then there will be wide spread chaos” drama ni Enan kaya laugh trip si Cristine. “Okay dibale nalang” sabi ng dalaga.
“Excuse me, I didn’t say no. Of course it’s a yes. Di man ako sang ayon sa pagpapaganda pa lalo ng aking almost perfect body pero gusto kita makasama e. Kaya it’s a yes, pasensyahan nalang kung magkaroon talaga ng great flood part two dahil sa laway ng mga nagnanasa sa akin” sabi ni Enan.
“Hahahaha grabe ka, so is that a real yes?” tanong ni Cristine. “Tiny anong klaseng gym ba?” tanong ni Enan. “Don’t worry its not heavy work outs, parang toning lang” sabi ng dalaga. “Ah okay, ihanda ang Tsunami alert sa buong mundo”
“Ayon sa PAG ASA, yung tsunami ay dulot ng mga pinagsama samang laway ng mga nagnanasa para sa Intergalactic Bae. Ngayon lang mangyayari ito sa buong kasaysayan ng mundo” banat ni Enan kaya umariba sa tawa ang dalaga.
“Hay la..la la la…” bigkas ni Cristine. “Okay lang Tiny, tuloy mo na” sabi ni Enan. “Uy wala ha” sabi ng dalaga. “Nahiya ka pa kumanta, its okay, kung gusto mo mag duet tayo one time” sabi ng binata. “Ah..uy alam mo naman wala ako boses pangkanta” sabi ni Cristine.
“Depende sa nakikinig yan, the sweetest voice I heard was out of tune. Just so you know” sabi ng binata kaya namula ang dalaga at napangiti muli.