MATAPOS ang masaganang pananghalian. Kumilos ng natural si Nathalie. Kahit naiinis siya kay Steven. Na kung ituring sila ng mga anak niya. Parang isang hangin lamang. Kaysa makipagplastikan kay Joyce Ann. Mas pinili na lamang nito na tumulong kay Lirah. Sa paghuhugas ng mga platong ginamit nila. Kahit makailang beses siyang itinaboy ng mag-ina. Hindi nagpapigil ang dalaga sa nais na gawin sa kusina. Halos napalundag si Nathalie sa gulat ng biglang may nagsalita sa kanyang likod. Muntik pa niyang mabitawan ang basong hinuhugasan. “Tama na ’yan, baka mamaya magsumbong ka sa pamilya mo. Inaalila ka namin dito!” mariin at galit nitong sabi kay Nathalie. Pakiramdam ng dalaga sa sarili. Ayaw nitong naroon sila ng mga anak. Itinaob ni Nathalie ang basong hawak. Sa tauban ng plato at saka d

