“NASAAN si Joyce Ann?” tanong ni Nathalie. Sa gitna ng kanilang pagsasayaw. Ramdam rin niya ang paghapit ni Steven sa kanyang bewang. Halos magkadikit na ang kanilang katawan. Ngumiti si Steven. ”Nag-cr lang.” “Kaya pala, nakawala ka sa kanya,” biro ni Nathalie. Kahit may kadiliman sa kanilang puwesto. Kitang-kita niya ang pag-igting ng panga ni Steven. “Kahit ano’ng oras kayang-kaya kong makawala sa kanya!” mariing sagot ni Steven. “Bakit ’di mo magawang kumawala sa kanya? Para hanapin o kaya puntahan kami. Alam na alam mo kung saan kami makikita. Pero wala kang ginawa ’di ko naniniwala sa ’yo. Na kaya mo siyang iwan para sa ’min,” malungkot na turan ni Nathalie. Bahagya pang sinulyapan ang lamesa ng babae. Matalim itong nakatingin sa kanila. “Mga bagay na masyado pang kumplek

