Maxine's POV Hindi ko alam ang gagawin ko para makalimutan ko siya, ayoko na sa kanya hindi ko kinakaya ang mga pinag gagawa niya sakin. "Bakit di ka pa natutulog?" si kuya. "A-ano hindi lang a-ako makatulog" pag papalusot ko dito, hindi niya alam na hiwalay na kami ni Clarance at ang dahilan pa ay niloko ako tiyak kasing magagalit Ito. "Umiiyak kaba?" seryosong sabi nito. "H-hindi ah" "Sabihin mo lahat, walang kulang walang dagdag, kung paano ka niloko ni Clarance" pano niya nalaman. "K-kuya p-paano mo nalaman?" "Ayan! Lumabas din mismo sa bibig mo! Niloko ka ni Clarance?" wala na akong ginagawa kundi ang tumango na lang, at kita ko sa mata nito na galit na galit siya. "Paano ka niloko?" pagtatanong nito. "N-nakita ko s-siya may kahalikan" naiiyak na sabi ko, nagulat ako ng bigl

