Maxine'sPOV
Ang saya ko ngayong araw kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko, salamat kay Nash.
Nandito kami ngayon sa loob ng Ferris wheel, ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinalikan ako, maya maya lang ay siya namang nag putukan ang mga fireworks.
"M-maxine" napatigil kami ng biglang may tumawag.
"S-sir" anong ginagawa nila dito?
"S-sir sandali! Sir!" ang bilis naman maglakad ng kumag nato.
"S-sir" nangmahawakan ko ang braso niya ay unti unti niya itong tinanggal at saka lumapit kay kris at hinawakan ang kamay nito. Pero mas natunganga ako ng hapitin ang bewang nito at sabay hinalikan. Anong nangyayari? Bakit ganito yung naramdaman ko.
"M-maxine, sorry doon sa ginawa ko kanina, m-maxine" si Nash
"U-umuwi na tayo"
"S-sige."
_______
Nandito ako ngayon sa likod bahay namin, at pinagmamasdan ang mga nag gagandahang mga bituin at buwan, hindi ko napigilan na mapangiti ng biglang mapawi ang ngiti ko ng maalala ko ang nangyayari kanina at sa nakaraang araw.
"M-maxine"
"N-nash anong ginagawa mo dito? gabing gabi na ah!"
"A-ano gusto ko magpaliwanag sa nangyari kanina"
"A-ahh ganun ba, halika maupo ka"
"Maxine, yung nangyari kanina ginusto ko iyon, matagal ko nang gusto makita ang batang babae na iyon, pero matagal ko na rin palang nahanap, i saw you in the bus terminal may kung ano na akong naramdaman na kakaiba, at sabi ko nun sa sarili ko pag nakita ko na ang batang babae na iyon ay liligawan ko at papakasalan." sabi nito habang nakatingala sa langit, na wari'y pinagmamasdan ang mga bituin at buwan.
"Pero mukang malabo kitang maligawan at mas lalong malabo na maging asawa kita" iiling na sabi nito.
"M-maxine mahal kita, mahal na mahal kita" ng bigla niya ako sungguban ng halik.
"N-nash"
Clarance POV
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon, pero isa lang ang alam ko nasasaktan ako.
Papunta ako sa bahay nila maxine para makapag usap kami, at magkalinawan sa mga nararamdaman namin.
Nandito na ako kila maxine pero ang sabi ng dalawa niyang kapatid ay wala daw doon sa loob baka raw nasa likod nila, hindi naman kami nagkamali dahil nandito nga si maxine at Nash.
"Maxine, mahal na mahal kita" kitang kita ko ulit ang paghahalikan nila, gustong gusto kong sapakin si Nash mismo ngayon.
"S-sir" nang mapatingin sa akin silang dalawa.
"Nakaka istorbo ba ako?" hindi ako iiyak sa harap ni maxine, hindi ako iiyak, pero taksil itong mga luha ko kusa na silang nagbagsakan isat isa kaya tiyak kita ito ni Maxine, kaya napagdisyunan ko na lang na umalis doon.
"S-sir!"