Lumuwas ako ng maynila para mangamuhan sa isang mayamang pamilya, at mag alaga ng bata, pero sa hindi ko inaasahan ay hindi siya isang bata kundi isang binata na kasing edad ko lamang.
"Ano ba! Kanina pa kita inaantay" Siya si Clarence Buenavista, isang gwapong lalaki, spoil brat at mayabang!
"Eto na nga po señorito" pag galang keneme ko dito with matching bow pa.
"Bilis bilisan mo!" grabe gwapo na sana kaso napaka sungit naman! Wala! ekis na agad siya sa mga tipo kong lalaki.
"Manang aalis na po kami ni Sir Clarence"
"Ah saan ba kayo pupunta? At himala isinama ka!" isa si manang Selly sa mga matagal nang kasambahay dito.
"Nagpasama po na mag shopping na bo-bored na daw kasi siya dito"
"Omyghoddd! Ghurllll chance mo na Yan!" biglang pagsagot naman ni ate Vida.
"Anong chance naman yan ate vida! Nag vivida-vida ka na naman!" at natawa naman ito.
"Ibig kong sabihin Maxine, chance mo nato kung magpapakita ba ng sign si Sir Clarence"
"Anong sign?" tanong naman ni Manang Selly
"Manang, Maxine, ganto yung pagsasakay ka na ng sasakyan pagbubuksan ka niya ng pinto" sabi ni Ate Vida habang naglalakad pa.
"Tapos, pag nasa mall na kayo!_"
"Hep!Hep!hep! Tama na nga Po Yan! Aalis na kami at baka pagalitan na naman ako nun!"
"Asan na ba yung si Sir!" irita na sabi ko habang hindi magkaundagaga sa pagbitbit ng mga binili niya. Nang may nakita akong upuan ay dali dali akong umupo doon, para naman akong nabunutan ng tinik ng makaupo ako dahil sa sobrang sakit na ng mga paa ko kakalakad at sa sobrang bigat na din ng mga dala ko.
Nang bigla kong naalala ang sinabi ni Ate Vida, hindi naman ako pinagbuksan ng pinto ako pa nga mismo ang nagbukas para sa kanya, tapos ngayon ako pa pinagbitbit ng mga binili niya, tapos nawawala pa siya!