Nagdalawang isip si Audrey kung ililihim kina Adonis ang natanggap niyang tawag mula kay Francis. Ngunit kilala niya si Francis. Kaya nitong gawin ang anuman dahil sa pera at impluwensya nito. Ipinalangin na lamang niya na tutupad ito sa usapan pagkatapos niyang pagbigyan ang kahilingan nito ay makakabalik sila nang maayos ni JM na parang walang nangyari. Baka mapahamak ang bata kapag nagtraidor siya kay Francis. Ayaw niyang maulit dito ang nangyari kay Adonis noong ma-kidnap ito. Baon ang lakas ng loob, nagpunta si Audrey sa Pier South para hanapin ang yateng maghahatid sa kanya sa islang kinaroroonan nina Francis sa bandang Batangas. Iniwan niya ang kanyang kotse kay Jin na siyang naghatid sa kanya. "Saan ka ba pupunta Audrey?" Tanong ni Jin sa kanya. "Saka ko na sasabihin sayo, ur

