Hindi kaya magalit ang kaibigan gaya nang inaasahan sa mga taong narito? tulad ni Donya Elena maging sina Sir Rick at ang pamilya nito? Piniling magtago kay Shawn upang isang bagsakan na lamang ang pagpapaliwanag kung sakaling magkabukuhan dahil naniniwalang maiintindihan ng binata. "Attention, everyone!” Putol ng emcee dahilan upang huminto ang mga bisita at dumako ang atensiyon sa entablado. "We have been celebrating the homecoming of our socialite queen who are very successful and the devoted wife of late Don Enrico. She went to Europe for the past months but I'm sure you really miss this gorgeous woman. Let us welcome our queen of the night, Doña Elena y Ayala!” nagpalakpakan ang mga tao saka tumungo ang ginang sa entablado. Samantala, naramdaman ang mahigpit na palad ni Michael s

