HUMINTO ANG MGA SASAKYAN SA MANSYON kung saan nakalulan ang pitong lalaking rumesponde sa kidnapping incident. Kanina pa hindi mapakali sa upuan dahil sa pag-aalala sa'king mag-ama, nang matanaw mula sa main door sina Michael at Calei kasunod ang mga kaibigan. "Mommmy!" "Calei anak?"tawag sa batang palapit sa'kin. Tuluyang nagsipasok ang buong HOMIGENsaka niyakap ang kanya-kanyang kapareha. Samantala, lumapit si Michael upang yakapin kaming dalawa ni Micah Lei. "Buddy na-miss kita! Akala ko hindi ka na makakaligtas Villaforte. Mahal na mahal kita." atungal ni Lyndon. "May masakit ba sa'yo Santiago? s**t I can't live without you," nagyakapan ang mga ito habang nakamasid lamang sa dalawang mokong. "Hala sige magsariling romansa kayo diyan." singit ni Derreck "They're truly worst of al

