"Let's go?" inalalayan ni Xavier ang braso pababa ng lobby. Araw ng Sabado ang outing na napagkasunduan nang HOMIGEN ngunit ang hindi maintindiha'y bakit ako ang napili ng binatang makasama sa dinami-daming magagandang babae na umaaligid kay Xavier. ‘Yung totoo? Tumatalab na ba ang diyosa powers ko?’ Lumulan sa kotse subalit napakapit sa upuan dahil muntik magkandabuhul-buhol ang lamang loob sa tuling magpatakbo ng lalaki. Owner yata ng EDSA? MABILIS NAKARATING sa meeting place kung saan natanaw ang ilang miyembro ng HOMIGEN partikular kina Derreck, Troy, kasama ang mga babaeng walang tulak kabigin sa pagiging blessed ang itsura. Nakaka-insecure tumabi dahil bukod sa ganda, hindi rin kinulang sa bitamina kaya siguro panay matatangkad, kumpara sa isang Leah Martinez na hindi alam kung

