PINAGMAMASDAN ANG ANAK na kasalukuyang dala ang ilang pares ng heels kung saan kinuha ni Calei sa shoe rack. "Ay naku talaga 'yang anak mo Leah, pinakialaman na naman 'yang mga heels mo" anas nito habang nakapameywang ang ginang. "Hayaan niyo na po 'nay---patingin nga ang kembot ng Baby Calei ko?" magiliw na suporta sa bata. "Ganito Mommy ko, tapos suot ko po heels mo po" kumendeng ang bata animo rarampa habang suut-suot ang heels na mas malaki sa paa ng anak. Hindi mapigilang matawa dahil kahit nahihirapan si Calei ay pinipilit maglakad o lumapit sa pwesto ko. She's very adorable! Kuhang-kuha ng anak ang pisikal na kabuuan ni Michael magmula sa mga mata, ilong o kahit sa labi'y mapagkakamalang pinagbiyak na bunga. Hinding-hindi talaga maikakailang mag-ama ang dalawa kung sakaling mak

