NAKASUBSOB ANG DALAWA sa mesa habang hindi mapakali sa maaring unahin ngunit nanaig ang kagustuhang maisakatuparan ang planong pabagsakin si Leah. Lihim na binuksan ang pinto sa likod upang papasukin ang isang lalaki. "Bilisan mong kumilos at baka may makakita sa'yo" singhal ko dito. "Maghintay ka!" Iniutos sa kasabwat na magsuot ng tight mask para hindi mamukhaan kung sakaling magkaroon ng aberya. "Akong bahala sa diskarte, basta huwag mo kong pakialaman" "Nasaan si Leah?" tanong nito. "Ayon kasama ng bisita't himbing na himbing dahil sa pampatulog" "Paano natin magagawa 'yang binabalak mo kung dalawa pala sila?" "Sumunod ka na lamang dahil may naisip na 'kong paraan para mas mapabagsak ang babaeng 'yan" Hindi mapigilang ngumisi sa mga binabalak ukol sa dalaga. Tama lamang s

