SA BAWAT ARAW NA NAGDAAN, lalong napapansin ang madalas na pagbisita ni Vanessa sa mansiyon subalit pinatunayang wala siyang masamang plano o pagmamaldita kaya unti-unting nabura ang hinala buhat noong unang tumungo ang babae sa bahay marahil paranoid lamang siguro talaga dahil sa mga nangyari noon sa pagitan naming dalawa. Heto nga't kasalukuyang tinuturuan ang dalaga sa baking lesson sa kusina hanggang sa biglang nagtanong si Vanessa ukol sa kaniyang ginawa. "Girl, what do you think of the taste?" malambing na tanong ni Vanessa saka mabilis dumukwang sa ginagawang putahe ng dalaga. "Medyo k-kulang sa asukal, Van" saad dito. "My gosh! Maybe, I was born to be a kitchen jinx forever. Ang tagal-tagal mo na 'kong tinuturuan ngunit kulang pa rin?" malungkot na saad ni Vanessa. "It's okay.

