NASA KALAGITNAAN ANG PARI habang magkaharap sa altar ang eksena naming dalawa. "And now, I pronounce you as a husband and wife. You may now kiss the bride.” ‘Hanggang ngayon ay 'di parin makapaniwalang kasal na 'ko sa isang Michael Villaluna-Ayala III. Jusko, muntik nang kurutin ang sariling pisngi dahil baka nananaginip lamang at biglang magising sa isang napakagandang panaginip. Pero bakit ganito? Hindi ba dapat masaya ako?’ Unti-unting dumampi ang kanyiang mga labi tila nagbibigay pangako sa wagas na pag-ibig, yung tipong halik ng isang lalaking mayroong pagsuyo't pagmamahal subalit imposible. ‘Magtigil ka, Leah! Masyado kang abusado kung iniisip mong nahuhumaling na rin si Michael sa pagiging diyosa mo!’ Dumalo ang buong miyembro ng HOMIGEN maging ang ilang kasosyo ng binata sa

