[PAOLO's P.O.V.] Kasalukuyan akong nagliligpit ng pinagkainan namin nang biglang pumasok si tita Mira sa kusina na may dala-dalang parang photo album. "Ah, 'nak?" Nilingon ko naman siya habang nagpupunas ng mga kamay ko sa suot kong apron dahil tapos na rin naman ako maghugas ng mga pinggan. "Po?" Magalang at nagtataka kong tanong. "Pwede ka bang makausap sandali?" Pumayag naman ako at saka kami nagpunta sa sala nila. Tatlong araw na akong dito tumutuloy. At sa mga nakalipas na araw, ngayon lang ako inaya ni tita Mira na makausap nang masinsinan. Pagkaupo niya sa mahabang sofa ay iminuwestra niya sa akin na umupo sa tabi niya. Pagkaupo ko ay hindi agad ako nagsalita at hinihintay ko lang kung ano ang sasabihin niya. Nakakalong pa rin sa kanya ang photo album na dala-dala niya kanina

