[PAOLO's P.O.V.] Papalubog na ang araw pero hindi ko pa rin alam kung paano ko mahahanap si Dara. Nandito ako sa isang karinderya sa Tagaytay at kasalukuyang kumakain ng meryenda. Matapos kong kumain at bayaran ang kinain ko ay tumayo na ako. Palabas na sana ako sa karinderya nang mapansin kong may payphone pala dito. Naalala ko bigla ang calling card na inabot sa akin kanina ng lalaking pinagtanungan ko. Kinuha ko sa bulsa ko ang wallet para ilabas ang calling card ng lalaki. Lumapit ako sa bantay ng karinderya. "Miss, makikitawag po sana." Tumango lang ito kaya nagsimula na akong mag dial sa telepono. "Hello?" Babae ang sumagot. Sa tantya ko ay nasa mid 30s na ito base na rin sa boses. "Ah.. Hello po. Pwede po ba kay sir.." Tiningnan ko ang pangalan sa calling card. "..Angelo Dela

