CHAPTER 5

2026 Words
[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.] Napigil ko ang aking hininga at bumilis ang heartbeat ko sa kaba habang nahihintakutang nakatingin pa rin sa kinaroroonan ni kuya na ngayon ay nag-iigting ang mga panga, base sa nakikita ko, mahigpit pa rin ang pagkakakuyom niya sa kanyang magkabilang kamao at nanlilisik pa rin ang mga mata nito na diretsong nakatutok sa kinaroroonan namin ni Luke. Napalunok ako dahil doon. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis mula sa sentido ko. "Dara, are you really okay?" Nilingon ko si Luke na ngayon ay nag-aalala pa rin. Hindi siya pwedeng madamay dito. Gaya ng sinabi ko, kahit anong mangyari, magalit na sa akin si kuya pero desidido na ako, hindi ko lalayuan si Luke. Poprotektahan ko siya kung kinakailangan. Huminga ako nang malalim at mariing pumikit upang pakalmahin ang sarili ko. Tumango ako sa kanya, "I.. I think we should get out of here." Wala siyang nagawa kundi mapabuntong hininga at tumango na lang. Hindi ko na nilingon pa si kuya kahit ramdam na ramdam ko pa rin ang nanlilisik niyang mga mata. Mamaya ko na lang haharapin si kuya. Kahit alam kong galit na galit na siya, kailangan ko siyang harapin. At kinakabahan ako sa maaari niyang gawin. Baka mapagbuhatan niya ako ng kamay. Pero handa kong tanggapin 'yun, huwag lang niyang sasaktan si Luke. Kakaiba pa naman magalit si kuya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Kinakabahan na naman ako. Pero pilit kong winawaksi ang kabang nararamdaman ko. Hindi dapat ako magpadaig sa takot at kaba ko. Nang matapos ko ayusin ang picnic mat ay tumayo na kami ni Luke na hindi nililingon si kuya. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa sunod naming klase. Nararamdaman ko ang maya't mayang paglingon sa akin ni Luke habang naglalakad kami nang magkasabay. Ramdam ko rin ang paglingon ng mga estudyante sa gawi namin at ang pagsinghap nila. Pero hindi ko na 'yun pinansin pa. Diretso lang akong nakatingin sa daan habang naglalakad at iniisip ang maaaring mangyari dahil sa pagsuway ko si kuya. Iniisip ko kung paano ko haharapin si kuya. Hindi ko pa rin kasi maiwasang kabahan sa pwede niyang gawin. Nandito na kami sa tapat ng classroom at wala pa 'yung mga blockmates namin, papasok na sana kami nang mapatigil ako sa paghakbang. Napalingon naman sa akin si Luke. Naramdaman ko kasi ang pag-vibrate ulit ng phone ko sa bulsa ko. Nilabas ko ito at tiningnan. Napalunok ako nang mag-message si kuya. At nang mabasa ko ang message niya, hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding takot. Napahigpit ang paghawak ko sa cellphone ko habang titig na titig pa rin sa screen nito na naglalaman ngayon ng mensahe ni kuya. Naramdaman ko ang paghawak ni Luke sa balikat ko dahilan para mapapiksi ako. Nanginginig ako. "Are you alright? Kanina ka pa ganyan. You look pale." Bakas sa boses niya ang pag-aalala pero hindi pumapasok sa isip ko ang sinasabi niya. Ang tanging nasa isip ko ay ang mapanganib na mensahe ni kuya. Hindi. Hindi! Hindi 'yun kayang gawin ni kuya. Hindi naman niya siguro magagawa 'yun diba? Dahil sa pinaghalong kaba at takot na nararamdaman ko, tumakbo na ako palayo sa kinatatayuan ko. Rinig na rinig ko ang pagtawag sa akin ni Luke pero hindi ko na ito nilingon pa. Pinagpatuloy ko ang pagtakbo ko na parang may humahabol sa akin na isang halimaw. Hindi ko lubos maisip na makakayang gawin 'yun ni kuya para mapunta lang sa kanya ang buong atensyon ko. Hindi ko kayang paniwalaan na magagawa niya ang bagay na 'yun. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa hiningal na ako. Napatigil ako, at hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko na ngayon ay sobrang bilis na ng kabog, sunud-sunod rin ang paghingal ko. Nararamdaman ko rin ang pawis na tumutulo mula sa noo ko. Ang kaliwang kamay ko naman ay napahawak sa railings upang kumuha ng suporta. Dahil pakiramdam ko, anytime matutumba ako dahil sa panginginig ng tuhod ko. Sunud-sunod na rin ang paglunok ko para pakalmahin ang sarili ko. Napalingon ako sa paligid, napansin kong dito pala ako dinala ng mga paa ko sa rooftop. Hinihingal akong napaupo sa gilid ng rooftop. Pakiramdam ko, maiiyak na ako sa sitwasyong 'to. Nanginginig akong napatingin sa cellphone ko na ngayon ay mahigpit ko pa ring hawak-hawak. Nakabukas pa rin ito sa mensaheng ipinadala ni kuya. From: Kuya Choose now, Dara. Either you stay away from him, or I kill him with my bare hands. Sunud-sunod akong napalunok. Anong gagawin ko? Kaya ko bang layuan si Luke? Pero paano kung hindi ko siya layuan? Baka totohanin ni kuya ang sinabi niya at 'yun ang hindi ko mapapayagang mangyari. Kanina lang, sinasabi ko na kahit magalit pa sa akin si kuya, hindi ko lalayuan si Luke at poprotektahan ko siya kung kinakailangan. Pero ngayong nabasa ko ang mensahe ni kuya, hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Nanatili lang ako doon na nakaupo hanggang sa may mabuong desisyon sa isip ko. Napapikit ako nang mariin. Hindi ko alam kung magiging tama ba itong desisyon ko. Kailangan kong makausap si kuya. Napagpasyahan kong hindi muna umattend sa mga susunod na klase tutal first day pa lang naman. Naglakad na ako palabas ng campus para umuwi sa bahay. Yes. Sinabi ni kuya na susunduin niya ako pero kailangan ko nang umuwi. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay namin mula dito. Mga fifteen minutes kung lalakarin. Pagkarating ko sa bahay, agad akong nakarinig ng kalabog mula sa taas, nanggagaling sa guest room. Sinalubong naman ako ni manang na nag-aalala. "Iha, ang kuya mo, nagwawala na naman at hindi ko siya mapigil." Napapikit ako nang mariin dahil doon at napahilot sa sentido. Napabuntong-hininga ako. "Sige po, manang. Aakyatin ko lang muna si kuya." Tumango na lamang si manang, at pagkatapos ay naglakad na ako paakyat. Habang palapit ako nang palapit sa pinto ng kwarto, patindi naman nang patindi ang naririnig kong pagwawala niya mula sa guest room. Yes. 'Pag nagwawala siya, laging sa guest room at hindi sa sariling kwarto niya. -_- Pagkarating ko sa tapat ng guest room, huminga muna ako nang malalim bago kumatok ng tatlong beses. "K-kuya?" Pagkatapos kong sabihin 'yun, nawala ang ingay sa loob ng kwarto. Mukhang tumigil siya sa pagwawala. Pero hindi pa rin niya binubuksan ang pinto. Napalunok ako. Kumatok ulit ako. "K-kuya, si Dara 'to." Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa pinto ng kwarto at pagkatapos ay bumukas ang pinto at iniluwa nun si kuya na hingal na hingal habang bakas sa kanyang mga mata ang mga luha na hindi ko maintindihan kung anong ginagawa doon sa mata niya. At nang bumaba ang paningin ko sa kamao niya, napansin ko na tumutulo ang dugo niya mula dito pero parang wala lang sa kanya. Napapikit akong muli. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, kuya? Nabigla na lang ako sa sunod na ginawa niya. Hinila niya ang braso ko papasok sa kwarto at agad itong ni-lock. Napalibot ang mga mata ko sa magulong kwarto na parang dinaanan ng matinding bagyo. Ang basag-basag na vase, ang nagtaob na sofa, ang nabasag na salamin sa cabinet na may bahid pa ng dugo, ang mga nagkalat na mga damit, ang nakataob ding kama, at ang nasirang lampshade. Nang ibinalik ko ang mga mata ko kay kuya, nailang ako bigla nang maabutan ko ang mga mata niya na matiim lang na nakatitig sa akin na para bang kinakabisado ang bawat anggulo ng mukha ko. Hanggang sa bigla siyang magsalita na siyang nagpagimbal sa sistema ko. "Have you read my message?" Walang emosyon niyang tanong kasabay ng kanyang pagngisi. Napalunok ako nang maramdaman ko ang sunud-sunod na pagtibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot nang maalala ko ang mapanganib niyang mensahe. Pero isinantabi ko muna 'yun dahil kailangan kong gamutin ang sugat niya sa kamao niyang may bahid ng dugo. Hinawakan ko ang braso niya, at tiningnan niya ako na may mukha na hindi makapaniwala? Eh. Bakit? Pero hinila ko na lang siya papunta sa banyo, at nagpatianod lang siya dahilan para makahinga ako nang maluwag. Akala ko, magpupumiglas siya dahil sa galit niya eh. Tch. "What are you doing?" Imbis na sagutin ang tanong niya, inilapit ko na lang sa sink ang kamao niya, at saka hinugasan muna ito. Ramdam ko ang nakakailang niyang titig sa akin pero binalewala ko na lang 'yun. Pagkatapos kong hugasan ang kamay niya, hinila ko siya palabas ng guest room at papunta sa kwarto ko para doon siya gamutin. Dahil masyadong magulo ang guest room. Tch. Pagkapasok namin sa kwarto ko, hinila ko siya papunta sa kama ko. At pinaupo siya doon habang nakatayo ako sa harap niya na ngayon ay hindi pa rin inaalis ang titig sa akin. "K-kuya, quit staring." Naiilang na kasi talaga ako. Ugh. Pero imbis na tumigil siya sa kakatitig sa akin, pinagpatuloy lang niya. Tch. Ano bang mapapala niya kung tititigan niya ako? Ghad. Wala na lang akong nagawa kundi talikuran siya para pumunta sa cabinet ko, pero agad akong napatigil nang maramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. Nilingon ko siya na ngayon ay nakayuko habang hawak ang kamay ko. "Kuya, kailangan kong gamutin ang sugat mo." Malumanay kong saad. "My wound?" Narinig ko ang pagngisi niya pero mababakas dito ang sakit na nararamdaman niya. "How can you heal the wound in my heart? You're the main reason behind that." Napakagat ako sa ibabang labi ko. Bakit ko kasi siya binabaan ng phone eh. Tch. 'Yan tuloy. Nasasaktan siya. Nagiguilty na ako. "K-kuya." "Dara, please. Stay away from that guy." Pagmamakaawa niya na siyang kinagulat ko. Omg. He begged. This is the first time na magmakaawa siya sa akin. At ang sakit na makitang nagmamakaawa si kuya sa akin. Hindi ako sanay sa pagmamakaawa niya. Mas sanay ako sa pagiging authoritative niya. So, ito ang dahilan kung bakit siya nasasaktan? Hindi dahil sa binabaan ko siya ng phone? Tch. Akala ko nga kanina sasalubungin ako ng pagiging tigre niya pero sinalubong lang ako ng mga titig niya. Napalunok akong muli at napakagat na naman sa ibabang labi ko, habang siya naman ay humigpit ang pagkakahawak sa kaliwang kamay ko habang nakayuko pa rin. Wala akong nagawa kundi umupo sa tabi niya at hinawakan ko ang pisngi niya gamit ng isang kamay ko dahil hindi pa rin niya pinapakawalan ang isa kong kamay. Pero napatigagal na lang ako nang maramdaman ko ang basa sa pisngi niya. Inangat ko ang mukha niya paharap sa akin at ganon na lang ang pagkirot ng puso ko nang makita kong may bakas ng luha ang mga mata ni kuya. Hindi ko kayang makita na sunud-sunod ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. Parang pinipiga ang puso ko sa senaryong 'yun. Dahil kami lang ang magkapatid, dahil siya lang ang kuya ko. At hindi 'yun magbabago kaya masakit para sa akin na makitang umiiyak si kuya para lang palayuin ako sa taong gusto kong maging kaibigan. Anong gagawin ko? Naguguluhan na ako. Gusto kong maging masaya. At nagiging masaya ako 'pag kasama ko si Luke, na hindi ko alam kung bakit ganon agad ang nararamdaman ko. Samantalang kanina ko lang siya nakausap talaga at nakasama. Pero ayaw ko rin na makitang nasasaktan si kuya. Nasanay ako na malambing lang siya at mabangis kung magalit. Pero itong nakikita ko ngayon sa kanya? Napakahirap tanggapin. Ito ang unang beses na magmakaawa siya sa akin. Bakit kasi kailangan niya pang maging overprotective sa akin? Na kailangan niya pang palayuin ako sa lahat ng mga nagiging kaibigan ko? At ngayon, umiiyak at nagmamakaawa siya sa harap ko, na lumayo ako sa kaibigan ko para lang protektahan ako. Ano ba kasing problema niya? Wala ba siyang tiwala sa mga taong nakapaligid sa akin? Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumatango sa pakiusap niya. Napapikit ako. Sana kayanin ko. Sana tama itong desisyon ko. [DARKO SEAN NORVILLE's P.O.V.] I hugged her tight, a secret smirk playing on my lips when she nodded. That's it, Dara. Never break your promise, or you'll regret what I might do.  You're mine forever. Only mine. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD