CHAPTER 29

3114 Words

[PAOLO's P.O.V.] Pagkababa ko ng jeep ay bumungad na sa akin ang malawak na syudad ng Tagaytay. Kitang-kita ko mula sa pwesto ko ang iba't-ibang kainan dito at may mga nagtitinda rin ng iba't-ibang prutas. Naramdaman ko na lang ang paghampas ng malamig na hangin sa balat ko. Bakit ganon? Pakiramdam ko, narating ko na ang lugar na 'to dati? Unang beses ko lang naman na makarating dito. Hays. Iniling ko na lang ang ulo ko sa naiisip at ipinagsawalang bahala na 'yun. Dala-dala ang backpack sa likod ko ay lumapit ako sa isang ale na nagtitinda ng mga prutas. "Ate, may kilala po ba kayong Dara na nakatira dito?" Nangunot naman ang noo niya sa tanong ko. "Aba, iho. Eh marami kako ang Dara ang pangalan. Sino ba 'yang tinutukoy mo?" Napa-tch na lang ako sa sarili. Nakalimutan ko 'yung apely

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD