[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.] Pagkalabas ng pamangkin ni Don Miguel sa kitchen, hindi na rin ako nagtagal pa sa loob ng CR. Lumabas na rin ako sa CR, at pagkalabas ko, doon ay napabuga ako ng hangin. Ngayon ko lang napansin na kanina ko pa pala hino-hold ang breath ko. Kinabahan kasi ako bigla sa mga narinig ko, at hindi ko alam kung bakit. Sa mga narinig ko, napagtanto ko kung gaano kamapanganib ang taong 'yun. Hindi ko gugustuhing mapalapit sa kanya, kahit pa siya ay pamangkin ng taong ginagalang ng bayang 'to. Kailangan kong idistansya ang sarili ko sa kanya simula ngayon. Nagpatuloy na ako sa paglakad palabas ng kitchen, pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay may humablot na agad sa braso ko. Naramdaman ko na lang na nakakulong na ako sa matitipunong bisig ng humablot sa a

