[THIRD PERSON's P.O.V.] Kasalukuyang nagluluto si Dara ng agahan nila ni Darko nang maramdaman niya ang pagyakap nito mula sa likuran niya, at saka marahang hinaplos ang baby bump niya. "Tch. Darko, maupo ka na lang doon. Hindi ako makapag-focus sa pagluluto dahil sa ginagawa mo eh." Pagsusungit niya dito. Pero imbis na alisin ang mga brasong nakapulupot sa baywang niya ay pinatong lang nito ang baba nito sa balikat niya, kaya naman ramdam niya ang mainit na hininga nito sa may leeg niya. "Ako na lang kasi ang magluluto, love." Bulong nito sa kanya. Nagprisinta kasi siya na siya ang magluluto ng agahan nila. "Ayaw. Doon ka muna at umupo. Manood ka na lang." Wala nang nagawa si Darko kundi ang mapabuntong hininga at umalis sa pagkakayakap sa kanya. "Okay po, love." Saka ito naupo sa

