[THIRD PERSON's P.O.V.] "Who are you?!" Pagkatanong niya nun sa babaeng dumating ay kinunutan siya nito ng noo. "Ikaw talaga, Darko. It's only been four years, and you've already forgotten me? Tch." At saka ito nagtaas ng kilay na tila ba hindi makapaniwala na nakalimutan niya ito agad. "I have no time to talk to you, so please get out. Aalis pa ako." Saka niya ito tinalikuran at nagsimula na siyang maglakad papunta sa kwarto nila ni Dara. Pero napatigil siya nang marinig ang sinabi nito. "Hay nako. You're still the same, Darko. Aish!" At saka ito napakamot sa kilay. "Kahit kailan talaga, napakasungit mo." Nagtataka na siyang tumingin sa babaeng 'to. Sa mga narinig ay napagtanto niyang kilala nga siya nito. Pero kahit pa anong ganda ang nakikita niya dito, ay wala pa rin siyang pak

