Helia Jhay Davin Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa mesa at agad dinial ang pangalawa sa pinakaimportanteng babae sa buhay ko. "Good morning, Paris ko." Bungad ko sa kabilang linya nang sinagot niya ang tawag. "Good morning din Helia ko. Kagigising mo lang ba at ngayon ka lang tumawag?" "Pasensiya ka na Paris ko napagod ako sa byahe kahapon isama po pa ang ang pangungulit ng mga pinsan ko nang malaman nilang ako ang magiging guardian nila." Narinig kong humahagikhik siya sa kabilang linya. "Hindi na naman kasi kailangan pa nila ng guardian. Malalaki na sila kaya na nilang tumayo sa sarili nilang mga paa at magdesisyon para sa sarili nila. Tingnan mo si Hera nakuhang magpanggap para makaiwas sa kung anong koneksyon ng pamilya niyo." Hindi ko malilimutan 'yong ara

