CHLOE POV "Ano ka ba naman, Chloe? Shempre bukal na bukas sa loob ko ang pag tulong na ginagawa ko sa inyong magkakapatid. Kaya wala kang dapat na ipag alala pa. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit sa inyo. Basta makita ko lang kayong masaya ay ayos na sa akin." Iba ang ngitian nya ngayon sa akin. Binasag lang talaga akong muli ng mga kapatid ko lalo na si Roy na nagsalita. "Wag ka na kasing mahiya kay kuya Kevin, ate. Mabait naman syang lalaki at saka sa bibig na rin nya nanggaling na hindi na tayo ibang tao sa kanya." "Buti pa si Roy, tama ang sinabi nya eh. Naiintindihan naman kita Chloe pero sana ay wag mo lang din masamain ang tulong na binibigay ko. Never kong isusumbat ang lahat ng ito sa inyo pag dating ng araw. At mas lalong hindi ko maiisip na bawiin ang mga binigay ko na

