CHLOE POV Tinulungan naman niya ako kung paano ang magiging tamang pag rampa ko. At kailangan daw na sa paglalakad ko pa lang ay dapat classy na. Para lang daw kasi akong naglalakad sa palengke kaya dapat daw ay ayusin ko. Kahit na naiinis talaga ako sa mga masasakit na salitang sinasabi niya sa akin, napag tanto ko na kailangan ko rin ang mga ito para mag grow ako. Sinunod ko ang lahat ng gusto niya. Nag tungo na kami sa mansyon niya upang dito ay bihisan ako. Ang daming nag aasikaso sa akin ngayon. Tatlong mga gays na ang gagaling mag make up sa akin. Tapos ang damit ko, panalong panalo talaga. Dress talaga kung dress, tapos may mga alahas at hikaw na pinasuot sa akin. Nang tingnan ko naman ang sarili ko sa salamin, halos magulat ako kasi ang layo na talaga ng hitsura ko sa dati.

