CHLOE POV Sumama talaga ako kay sir Anjo. Kung sino man itong boss namin, tiyak ko na talagang kilala niya ako kasi I love surprises. Naglakad na kami papunta sa bagong bukas na restaurant at sobrang bongga ng arrangement nito. May petals of roses sa sahig, may ma red heart balloons at mga scented candles pa. Lahat ng mga crew ay naka tingin sa akin. Muli akong lumingon kay sir Anjo subalit bigla na lamang itong nawala sa paningin ko. "Ayiiiieee..." ang panunukso sa akin ng ibang crew. Muli akong lumingon at mayroong biglang sweet na music na tumunog. At nagkataon pa na ito ang pinaka paborito kong kanta ni M@riah Carey, ang th@nk G0d I f0vnd you. Ilang sandali pa ang lumipas, nanlaki na lamang ang mga mata ko nang nakita ko ang ex boyfriend kong si Kevin. Iba na ang kanyang ngiti

