CHLOE POV "Ate sino ang kumatok?" tanong ni Roy. "Dakilang chismosang kapitbahay na gustong makuha ang pangalan ni Kevin. Kaya kayong dalawa ha? Wag na wag kayong tatanggap ng kahit na ano sa mga kapitbahay natin kasi sumasagap lang ng chismis ang mga iyan. Kahit na gutom kayo, wag kayong tatanggap ng kahit na ano. At kagaya ng paulit ulit kong sinasabi sa inyo, huwag na huwag kayong makikipag usap sa kahit na kaynino sa kanila." Umalis na ako at nag pahingang muli sa kwarto ko matapos ko silang pag sabihan. Nang imulat ko ang aking mga mata, napadpad na lang ako sa isang mall na walang katao tao Iniikot ko pa ang mga mata ko sa aking paligid subalit wala talaga akong nakikita kahit sino. Nakaka takot lang din ang ganito. Nag patuloy na lang ako sa aking pag lalakad hanggang sa makita

