CHLOE POV Naging tahimik ang pagkain namin, kwentuhan lang sila ng kwentuhang tatlo pero ako, gusto ko na lang mahiga ulit sa kama ko kasi ngayon lang ako napagod ng ganito. Namumulikat pa nga ang mga paa ko sa taas ng heels na suot suot ko. Nang ipahinga ko na ang katawan ko sa kama, naka hinga ako ng maluwag. Lumingon ako sa picture naming magkakapatid sa dingding at sobrang saya ko lang din na talagang ngayong araw ay mag babago na ang buhay namin. Na magiging maginhawa na ito sa kabila ng pag iwan sa amin ng mga magulang namin. Grabe, ang dami ko nga kaagad pangarap para sa aming mag kakapatid. At hindi ko pa nakukuha ang sahod ko ay talagang ang dami ko nang gustong gawin dito. 50 thousand is sobrang malaking pera. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin talaga ako maka paniwala na n

