CHLOE POV "Ewan ko sayo ate, nagiging emotera ka na naman diyan. Baka matindi lang ang gutom mo ngayon kaya kung ano ano ang lumalabas sa bibig mo. Chill ka lang, okay? Mag aaral lang kaming dalawa ni kuya, wag kang mag alala kasi hindi naman kami mag papabaya sa studies namin. Alam namin na sobra din ang pag susumikap mo. Kaya lang, mga kabataan lang din kami ni kuya kaya ganito pa kami mag isip." "Kaya nga! Basta, pag sasabihan ko din si Roy para matuto siya. Itext mo nga siya at sabihin mong magpa order ng pagkain at babayaran ko na lang kapag dumating tayo sa bahay. Ayaw ko lang na mag hintay pa, ang gusto ko lang sana ay maka kain at makapag pahinga ng maayos kapag umuwi tayo." Umidlip na ako saglit at nang idilat kong muli ang aking mga mata, sakto na nasa labas na kami ng aming b

