KEVIN POV Kahit na nakikita at nararamdaman kong wala nang pag tingin sa akin si Chloe, pilit ko pa ring sinasabi sa sarili ko na talagang siya pa rin ang babaeng gusto kong maging asawa. And I hate to admit it, nate threat lang din talaga ako sa sinasabi niyang Alden na ito. Di ako mapakali, sa maikling panahon na naging sila, mas malalim pa yata ang feelings niya rito kesa noong kami pa. Subalit challenge ko na rin ito para sa sarili ko. I knew, darating din yung time na manunumbalik ang sigla ng relasyon naming dalawa. Given na ang tagal ko ring nawala sa kanyang buhay. Dahil na rin sa matinding trapik, inabot na kami ng mahigit dalawang oras sa aming biyahe. Nakaka ngalay umupo pero sanay na ako sa traffic dito sa Metro Manila na wala nang pagbabago. Nang dumating nga ang sasaky

