RFUE Chapter 6: Isang Malaking Pagkakamali (Part 2)

1784 Words
Jeonho's P.O.V Hindi naging madali sa akin na harapin ang matinding pinagdadaanan ko ngayon. Hindi ko na alam kung papaano ko haharapin ang matinding sitwasyon na kinakaharap ko ngayon. Iyak ng iyak ako at hinding-hindi talaga ako mapakali sa kung saan ako lulugar na ngayon kapag nawala ang nanay ko. Mukhang hindi pa ako handa. Tumawag ako bigla kay Sister Remy dahil kinakabahan silang dalawa sa kung ano'ng kalagayan naming mag-ina. "Magandang umaga, Jeonho. Kamusta--," ang bungad ni Sister Remy. Sa pagkakarinig ko sa boses ni Sister Remy ay biglaan akong nagsimulang maluha dahil sa sitwasyon ng nanay ko na hindi pa nila alam. "Anong problema? Kalma ka lang ha. Everything will be fine. Anong nangyari sa iyo? Nasaan ka?" ang mahinahong pagtanong ni Sister Remy. Sa puntong ito, nagsimula na akong magsalita sa sitwasyon ng nanay ko. Biglaang nagulantang ang lahat sa nasabi ko (take note, nakaspeakerphone pa ako sa mga panahong ito at hindi pa visiting hours dahil ang visiting hours namin ay sa hapon pa hanggang gabi at umaga pa lang.) "My mom is in the hospital. She's not in a good condition. Sister Remy, pwede bang samahan nyo ako dito? Hindi ko kinakaya ang sitwasyon na ito. I am not in a good mood position to be here all alone. My mom was diagnosed with severe hypertension," ang pagtahang pagsabi ko. Pero, hindi ko na talaga mapigilang lumuha matapos kong masabi ang kalagayan ng nanay ko. "Sige, hayaan mo. Darating kami dyan at dadamayan ka namin, okay?" ang marahang pagsagot ni Sister Remy sabay baba ng telepono. Matapos ang ilang segundo ay sumunod namang tumawag si Eri sa akin. Iyak ng iyak pa rin ako sa sitwasyong pinagdadaanan ko. "Eri, magmadali ka dito. Nasabihan ko na si Sis Remy na masamang pangitain ang nangyari sa nanay ko," ang tarantang pagtitimpi ko. Pabalik-balik ako sa kwarto ng ospital sa kung saan nakaratay ang nanay ko na wala pang konsensya matapos madetect na may severe hypertension sya. Nang makarating na sila Eri at Sister Remy sa ospital, agad ko silang sinalubong, niyakap at dinala sa kwarto kung nasaan ang nanay ko. Napakahirap ng sitwasyong pinagdadaanan ko ngayon. Hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari sa akin kapag nawala na lang sya. "Hindi ko na alam kung saan ako lulugar at kung papaano ko haharapin ang sitwasyong ito. Sobrang nahihirapan na ako't baka ito pa ang ikamatay ko," ang aking matinding hinagpis habang hinihintay ang diagnosis. "Sa totoo lang, Jeonho," pagsisimula ni Sister Remy, "nagsakripisyo ang nanay mo para ikaw ay alagaan at arugain. Natatakot lang s'ya sa iyo na baka mawalay ka't mapahamak. Pero, sa nakikita ko sa iyo nila Eri, sa tingin ko, malayo mararating ninyo." Sa pagkakataong ito, biglaang tumigil ang pagluha ko at lumiwanag ang isipan ko sa sinabi ni Sister Remy. "Ituloy nyo lang Sister Remy. Siguro, eto lang ang nararapat na pagkakataong kailangan kong hanapin ang sarili kong pagkatao at maharap ko ang nanay ko ng masinsinan," ang matatag na pagkasabi ko. Pagkasabi ko nito, biglaang umiyak naman si Eri at lumabas muna ng kwarto sa matinding paghihinagpis na sinapit nya. Eri's P.O.V "Ituloy nyo lang Sister Remy. Siguro, eto lang ang nararapat na pagkakataong kailangan kong hanapin ang sarili kong pagkatao at maharap ko ang nanay ko ng masinsinan," ang matatag na pagkasabi ni Jeonho. Matapos nyang sabihin iyon ay biglaan akong napaluha sa tindi ng sinabi nya dahil alam kong magmamadre ako, pero sa isip-isipan ko'y iba ang tatahakin, at hindi ito ang pagiging mother superior, kundi ang pagiging isang ina. Lumabas na muna ako ng saglit at humihikbi sa tabi habang nakaupo sa waiting lounge. May isang lalaking lumapit, isa itong guwardiya, tatay, nasa edad 25-30 na taong gulang. Sa pagkarinig nya ng mga hikbi ko'y s'yang naging hudyat din ng pagtatanong nya. Paglapit nya sa akin ay biglaan akong tinanong: "Eri, okay ka lang ba, anak ko?" Pagkarinig ko ng sabi na 'anak ko', biglaan akong tumingin sa kanya at animo'y parang busilak na kumikinang ang kanyang mga mata, ang tatay ko na pala ang kumakausap sa akin. Pero, binaling ko ang atensyon ko muli sa kwarto na kung saan nandoon si Jeonho kasama si Sister Remy, sapagkat nagkaroon ng masama't maslaimuot na nakaraan sa amin ng tatay ko. Nawala ang aking ina dahil sa kanya. "Anak ko, ayaw mo akong pansinin? Pansinin mo naman ako oh... Matagal na akong di nakakaranas ng pagmamahal sa anak ko," pagbulalas ng tatay ko matapos mabaling ang atensyon. Ilang saglit akong nanahimik at bumalik sa kwarto. Gusto sana akong hawakan ng tatay ko, ngunit, hindi nya magawa dahil nahiya sya sa sitwasyong nangyare sa aking ina. YES! Naging masalimuot ang buhay ng nanay ko dahil sa tatay ko. Iba ang ginawa nya sa nanay ko kaya't nagkaroon ako ng matindng trauma. Malakas ang nagiging kutob ko sapagkat malakas ang magiging kaso ng tatay ko laban sa nanay ko. Kaya, hindi ko nadama pagmamahal sa kanya dahil sa ginawa sa kanya ng nanay ko. Nang pagpasok ko sa kwarto ay nadatnan kong naghihinagpis lalo si Jeonho dahil hindi na nya alam kung papaano nya haharapin ang buhay na kinasuungan ng kanyang nanay. Kasalanan ko ito, alam ko... Kailangan ko itong harapin upang hindi mangyare ang trahedyang nangyare sa nanay ko dahil sa tatay ko. Ayaw kong mangyare kay Jeonho ang kinasapitan ng tatay ko. "Alam ko na kinasapitan ng nanay mo ay isang pagsubok lang para sa iyo, Jeonho. Magpakatatag ka lang at huwag kang mag-alala. Pagagalingin ng Diyos ang nanay mo," ang pagdalamahating malalim na pangungusap ni Sister Remy. Hindi makapagsalita si Jeonho at tumango na lang sa sinasabi ni Sister Remy sa kanya. Bumaling na naman ang atensyon ko sa pinto dahil ramdam ko na nandoon pa ang tatay ko at ayaw kong mangyare kay Jeonho ang kinasapitan ng tatay ko. Ilang oras na ang nakakalipas ay kailangan na naming umuwi. Pagkayakap ko kay Jeonho ay saka kami umalis. Ngunit, bago kami makauwi ay nagkasalubungan ang tingin ni Sister Remy at ng tatay ko. Galit na galit tumingin si Sister Remy dahil alam din nya ang kinasapitan ng tatay ko at isa sya sa mga nakakita sa kinasapitang trahedya ng aking ina. Nang makita ng tatay ko ang galit na naramdaman ni Sister Remy sa kinasapitan ng nanay ko, magkadanluha-luha ang tatay ko sa harap nya at biglaang sinabi nito: "Nagmamakaawa ako sa inyo, Sister Remy, sapagkat napakalaki ng kasalanan kong ginawa. Alam kong di ako karapat-dapat na patawarin ninyo, pero, alam kong nararapat kong tanggapin ang kakasapitan ko." Agad sumampal ng madiin si Sister Remy sa mukha ng tatay ko dahil napakatinding galit nya sa kanyang ginawa. Hinayaan ko lang si Sister dahil matinding galit ang kanyang nararamdaman sa tatay nya. "Magusap tayo: KAILAN KA BA TITIGIL SA PAGIGING MAKASALANAN?" matinding pagsisimula ni Sister Remy. Mabuti na lamang at kokonti pa lang ang mga katauhan sa ospital sapagkat nagsisimula pa lamang ito. "Nakikita mo ba ang anak mo na sobrang hinagpis ang sinapit nya? Dahil yan sa kagagawan mo. Ngayon, sabihin mo sa akin, NAIINTINDIHAN MO PA BA ANG IYONG NAGAGAWA? Hindi mo ba alam na kalunos-lunos ang kinasapitan din ng asawa mo. Nakita ko ang lahat ng ginawa mo sa kanya. Niyurakan mo buong pagkatao nya. Hindi mo ba alam yun? Pinatay mo pa ang konsensya nya," ang galit at mapoot na pananalita ni Sister Remy. Tumango ako kay Sister Remy at tama ang mga sinabi nya. Gusto na sanang sumagot ang tatay ko, ngunit, bumaling ang atensyon nya sa akin at nagtanong ng ganito: "Mahal mo ba ako, anak ko?" Agad akong bumaling sa kanya at sinampal ko ng mas malakas ang tatay ko dahil sa matinding trauma na naranasan ko. "Kailan ka pa nagsabi ng ganyan, ha? Hindi kita kinikilalang tatay. Kinikilala kitang isang duwag, isang estranghero, isang taong mababa ang tingin sa kanyang anak, tapos, sasabihan mo ako kung mahal mo ako," matinding paghihinagpis ko. "Isang malaking pagkakamali ito, Eri, anak ko," ang pagsagot ng tatay ko. Muli kong sinampal sa kabilang pisngi ang tatay ko at tinuro tatay ko sa harap: "Hindi mo ba alam na niyurakan mo ang pagkatao ng nanay ko. Pinatay mo ang konsensya nya, tinapakan mo ang kanyang p********e. Ngayon, sa tingin mo, masasabi ko bang mahal kita? HINDI. DAHIL AYAW KITANG KILALANIN NA TATAY." "Anak, patawarin mo ako sana. Isa talagang pagkakamali ito," ang paghihinagpis na sagot ng tatay ko. Narinig bigla ni Jeonho ang komprontasyon naming mag-ama at ni Sister Remy. Nakita rin nya ang sinapit ng tatay ko. Agad lumabas ito at sinugod nya ang tatay ko, pero, bumaril sya ng pataas. "Tumigil ka, Jeonho!" ang galit ng tatay ko kay Jeonho. "Bakit ako titigil? Isang malaking pagkakamali ang ginawa mo talaga! Minahal ko ang nanay ni Eri more than anything else. Pero, ano po ginawa ninyo? Dinamay mo ang damdamin ng nanay ko dahil sa inyo. Sinira mo rin ang pagkatao ng nanay ko. Tignan ninyo kung anong kinasapitan nya," galit na pagkasabi ni Jeonho sabay turo sa kwarto kung saan nasaan ang nanay ni Jeonho. Natigilan ang tatay ko at biglaang pumasok sa kwarto. Binitiwan nya ang baril na pinutukan nya. Pagpasok ng tatay ko sa kwarto ng nanay ni Jeonho ay matinding hinagpis at matinding iyak ang nabulalas nya. "Isa talagang pagkakamali ito. Nadamay ang nanay ni Jeonho dahil sa akin. Tama si Jeonho. Talagang isang malaking pagkakamali ito," ang sabi ng tatay ko sa sarili nya. "Tapos sasabihin nyo sa akin na tumigil ako? Nasaan ang hustisya po? Hindi nyo ba naiintindihan ang sarili nyo? Wala kang kwentang ama kay Eri. Kaya, tama lang na dapat kang parusahan dahil sa ginawa mong kasamaan laban sa nanay ko at nanay ni Eri. Hanggang kailan po ba kayo magkakaganyan? Wala na ba kayong konsensya sa sarili ninyo?" ang matinding galit na sabi ni Jeonho. "Jeonho, tama ka nga. Dapat hindi kita pinigilan," ang sabi ng tatay ko. "The damage has been done. Sinira mo na rin ang emosyon ko. Napakahirap bang sabihin na SORRY? Sumugod ako tapos sasabihin ninyo na tumigil ako? Ano ka? Siraulong tatay ka ba? Wala ka na bang nararamdaman para sa anak mo. Matinding trauma ang kinasapitan ng kasintahan ko. Oo, kasintahan ko ho sya," ang paghinagpis ni Jeonho. Nagulat ng biglaan ang tatay ko at lumuhod sa harap nya na nagbabakasakaling mapatawad sya, ngunit, hindi pinatawad ni Jeonho ang tatay ko, sabay balik sa kwarto at pinalayas tatay ko sa harap nya. Umalis ng tuluyan ang tatay ko na hindi nya dala ang baril para hindi na nya ito maputukan. Agad kaming umalis ni Sister Remy at muling nagpaalam kay Jeonho. Hindi na matahimik ang buhay namin dahil sa kinasapitan ng nanay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD