RFUE Series 1 Conclusion

207 Words
Pansamantalang nagkahiwalay ang magkasintahang sina Erigeli at Jeonho upang magkaroon ng pagninilay tungkol sa kanilang buhay... Iba't ibang storya, iba't ibang paniniwala ng mga tao ukol sa pandemyang kinaharap ng nakakaraming tao. Bagama't ito'y isang kathang-isip na kwento lamang, ang kwento ay dumaan din sa isang matinding pagsubok at yun ay ang panahon ng pandemya. Wala mang galawan sa kwentong naganap, hindi pa rin mauubos ang pagdaloy ng kwento para sa mga taong nakakasalamuha sa kwentong ito. Sa nakaraang kabanata ay matatandaan natin na nakulong ang tatay ni Erigeli dahil sa ginawa nyang kasalanan sa nanay ni Jeonho na syang nakarecover at nagpapagaling at sa asawa niya na syang ikinasawi ng nanay ni Erigeli. Matindi man ang pagsubok na pinagdaanan ni Erigeli sa pagkawala ng kanyang ina, patuloy pa rin syang lumalaban sa kanyang buhay sa pamamalagi nya sa buhay ni Jeonho. Ang malaking katanungan na lang dito ay: Kumusta na kaya ang tatay ni Erigeli makalipas ang dalawang taon? Kumusta na rin kaya ang buhay nila Jeonho at Erigeli? Sundan sa mga susunod na kabanata ang pagpapatuloy ng istorya na s'yang kapupulutan ng aral. Ang unang serye man ay natapos, pero, sa ikalawang serye ay mas lalong bubulusok ang buhay ng kwento nila Jeonho at Erigeli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD