Fifty Nagising siya sa isang mainit na halik sa kanyang labi. “Good morning Mrs. Perez”bati sa kanya ni Malik. Napangiti naman siya sa itinawag nito sa kanya. Hindi pa din siya makapaniwala hanggang ngayon na kasal na siya kay Malik. “Morning”ganting bati niya dito. “Breakfast in bed”sabi pa nito na may dalang tray ng pagkain. Hindi na sila naghotel pa, ng matapos any reception ng kasal nila kagabi umuwi din sila sa bahay nila, na dapat ay pupunta sila sa Palawan para maghoneymoon. Kaso sumakit ang tyan niya kagabi kaya hindi na sila tumuloy pa ni Malik. “Hmmm…ang sweet naman ng honey ko”puri niya kay Malik. “Masakit pa ba ang tyan mo?”nag-aalalang tanong sa kanya ni Malik. Inalalayan pa siya nito na umayos ng upo. Isinandal pa siya nito sa headboard ng kama nila. “Okay na,

