Forty-five Flash back Napag-usapan nila ng mga kaibigan niya at ni Zach na magkikita-kita sila sa isang mall. Ang bilin sa kanya ni Zach isama niya si Naomi sa lakad na iyon. Hindi naman niya alam kung para saan ang pagsama ni Naomi sa lakad nilang ito. Kahit pa nga sabihin na tutulong daw si Zach sa kanila para layuan siya ni Naomi hindi naman nito dinetalye ang plano nito. Naisip niya kahit naman layuan na siya ni Naomi, hindi pa din titigil ang tatay nito sa panggugulo sa kanya. Kasi hindi lang ang pagiging manugang nito ang habol ng matandang Lopez, pati ang kayaman niya. “Baby, what are we doing here?”tanong sa kanya ni Naomi. Hindi niya din alam kung ano ang dahilan nila kung bakit sila nandito ngayon. Hindi naman niya pwedeng sabihin na nandito sila ngayon kasi may plan

