Twenty- Five Pakiramdam niya may mainit na tumatama sa kanyang mukha kaya naman napabaling siya ng higa. Hindi na niya alam kung anong oras na sila natulog kagabi ng mga kaibigan napasarap pa kasi ang kwentuhan nila. Isama pa na parang bata kung umasta ang mga boys nila kaya naman panay ang pang-aalaska nilang girls sa mga ito. Hindi pa sana niya imumulat ang kanyang mata ng maramdaman niyang may pumipisilpisil sa kanyang dibdib. Pagmulat ng mata niya nabungaran niya si Malik na mahimbing pa din na natutulog. Pero ang mga kamay nito ang likot likot na. Paano naman napunta dito ang lalaking ito?tanong niya sa sarili niya. Ang pagkakatanda niya inihatid lang siya nito at ang mga anak nila sa cottage na tinutuluyan nila. Nakita pa nga niya itong lumabas ng kwarto nila kaya ang ala

