Thirty- eight “I don’t love you anymore Issay” Parang sirang plaka na paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi sa kanya ni Malik kanina lang habang magkasayaw sila. Ang akala nga niya effective ‘yung pagpapaselos nila kay Malik gamit ang kapatid niya. Pero mukhang wa epek ang plano niya para mapabalik sa kanya si Malik. Masyado na yata silang nagkalayo ni Malik. Four years silang nagkalayo ni Malik na wala man lang silang komunikasyon na dalawa. Hindi kaya mahal na talaga ni Malik si Naomi kaya naman ito ang pakakasalan niya. Na baka inisip na talaga ni Malik na kasal siya noon kay Dylan at wala na talagang plano si Malik na balikan siya. Parang pinaasa lang siya ni Marco noon ng sabihin nitong mahal pa din siya ni Malik. Kung mahal ako ni Malik hindi niya sasabihin na hindi niy

