Twenty- one Lumipas ang dalawang araw na hindi niya nakita si Malik. Hindi niya alam kung pinupuntahan siya nito sa hotel o hindi. Kasi naman maaga pa lang umaalis na sila sa hotel kasama ang mga anak, kapatid at nanay niya. Wala naman nagtatanong sa kanya kung bakit sila maagang umaalis, nag-eenjoy pa nga ang mga kapatid at anak niya dahil nililibot niya ang mga ito. Papagurin niya ang mga ito sa paglilibot at gabi na sila uuwi sa hotel. “Girl, fantacy ang theme ng photoshoot mo ngayon”sabi sa kanya ni Kyla. Hawak na nito ang mga costumes na gagamitin nila para sa photoshoot. Samantalang si Carla naman ay hinahanda ang mga gagamitin naman nitong mga make-up sa kanya. Kasalukuyan silang nasa studio para sa pictorial niya na gagamitin sa billboard para ipromote ang mga hotel ng L

