Thirty-one Para naman siyang nakalutang sa alapaap ng mga nakaraang araw na nagdaan, mula ng dumating si Malik. Hindi niya alam kung paano nagagawa ni Malik ang mga nangyayari sa kanila ngayon. Pero nag-eenjoy naman siya sa nangyayari sa kanila. Ramdam na niyang buo ang pamilya niya. Halos isang linggo na silang magkakasama na mag-anak. Parati lang silang namamasyal na apat. Pumapasok pa din naman siya sa trabaho pero kapag nandoon na siya palagi nalang napo-postpone o kaya naman cancel ang mga lakad niya. Alam naman niyang si Malik ang may gawa noon. Minsan kasi nahuli niya itong may kausap sa telephone at mukhang ginagamit nito ang koneksyon para makasama sila ng matagal. “Malik, ano ba ginagawa mo?”takang tanong niya kay Malik. Nakasalampak kasi ito at ang mga anak nila sa sala at

