Twenty-nine It’s been three days when Issay and his kids went back to Paris. Pero para sakanya parang ilang taon na niya itong hindi nakikita. Kahit pa nga araw-araw niyang nakakausap ang mga ito sa telephone o kaya naman sa facetime, hindi pa din sapat ang mga ito. Gusto niyang makita at mahawakan ang mga ito. Gusto niyang mayakap at mahalikan ang mag-iina niya. “Urgh”napasabunot pa siya sa sarili niya sa sobrang frustration. Kakatapos lang nilang mag-usap ng kanyang mga anak sa facetime. At nagsusumbong ang mga ito na may pictorial daw ang ina ng mga ito na daring. Pinagsabihan kasi niya ang mga anak na bantayan si Issay at sasabihin sa kanya ang bawat trabaho ng kanilang ina. “Nababaliw ka na naman ba bro?”biro sa kanya ni Marco. Hindi niya namalayan na pumasok na pala ang

