Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo dito. Sa tuwing magtatangka akong kumatok, hindi ko magawa. Nandito ako sa harapan ng Opisina ni Mylene. I must be crazy right? But I need to know something. Maybe she can answer me. Nagulat nalang ako nang bigla itong bumukas. Nagulat rin ito nang nakita niya ako "Juniel?" Mahinang sambit nito "Can I come?" Nag aalanganing tanong ko sa kanya. "Ofcourse." sabi naman nito at niluwangan ang pagkakabukas ng pintoan. Pumasok ako sa Opisina niya. Hindi mo aakalahing ganito kalawak mula sa labas. May dalawang kwartong para sa mga pasyente at malaking glass window kung saan kita mo ang buong syudad "So, what brings you here Juniel?" tanong nito habang papalapit siyang may hawak na Tasa ng kape "Julia." I corrected her. "So you know..

